Chapter 7



"Bitawan mo s'ya!"

 

Napatingin kami sa sumigaw at labis ang tuwang naramdaman ko nang maaninag ko na si Grey ito.

"Anak ng pucha! May epal pa oh! Alam mo, wag ka na lang makisali dito bata. Maghanap ka na lang ng ibang matitikman!"

Nagdilim ang aura ni Grey. Mahahalata sa mata n'ya na galit s'ya. Kahit ako ay natatakot sa kanya. Ano kayang mangyayari?

"Hindi ko hahayaan na magalaw mo ang babaeng 'yan dahil akin s'ya!" Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi n'ya.

"Hahaha! Ano bang drama 'to?! Kung makapagsalita ka parang may ugnayan kayong dalawa ah!"

"She's my wife."

"Oh kaya pala. Ah pwede bang mahiram muna s'ya? Ibabalik ko din naman s'ya sa'yo eh."

"H'wag na h'wag mo s'yang gagalawin!" Unti-unting lumalapit si Grey habang nakatingin ng masama. Ano bang gagawin n'ya?!

"Subukan mong lumapit pa! Papatayin ko s'ya!" Naramdaman ko ang kutsilyo na nakatutok sa leeg ko. Para akong natigilan ng paghinga. Ano ang susunod? Hindi pa naman ako mamamatay diba?

"Ibaba mo 'yan!"

"Ano 'ko tanga?! Bakit ko ibababa?! Edi wala akong panlaban sa'yo!"

Walang magawa si Grey. Samantalang yung lalaking adik naman ay tumatawa. Hinding hindi ko nagugustuhan ang nangyayari ngayon. Ayoko pang mamatay. Please Lord, help me.

May naisip akong paraan. Habang tumatawa ang lalaking ito ay kinagat ko ang kamay n'ya na nasa bibig ko. Napatalon naman s'ya sa sakit. Sinulit ko na ang pagkakataon para makatakbo kay Grey.

"Hayop kang babae ka!" Tumakbo papalapit sa'min 'yung lalaki habang dala n'ya ang kutsilyo.

"Lumayo ka muna Lory. Baka mapahamak ka!"

Sumunod ako sa sinabi ni Grey. Lumayo ako sa kanila. Muntik nang masaksak ng lalaki si Grey. Nasipa naman ni Grey yung lalaki sa likod. Nabitawan nito ang kutsilyo at ngayon ay nagbubugbugan sila. May mga times na tinatamaan din si Grey pero mas maraming tama ng suntok yung sa adik.

Napaiyak ulit ako ngayon. Naisip ko kasi na dahil sa paglayo ko kay Grey kanina, muntik na 'kong mamatay. Buti na lang at dumating s'ya pero hindi pa rin mawawala sa sarili ko yung takot.

 

Nakakainis naman kasi eh! Sobrang pasaway at ang arte ko! Ayan tuloy, muntik na 'kong mamatay! Bwisit!

"Tara na?" Napatingin ako kay Grey. Tapos na s'yang makipagsuntukan doon sa adik. Nakita ko namang nakabulagta at walang malay ito.

"G-grey..." Patuloy pa ding nanginginig ang mga kamay ko.

"Bumalik na tayo sa bahay."

Tumango lang ako sa kanya at nagpunta na kami dun sa bahay na pinagtigilan namin kanina. Pumasok kami doon at 'di ko na naman muling napigilang umiyak. Tinakluban ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad.

"S-sorry. Sorry kung naging makulit ako kanina. Sorry talaga, hindi ko sinasadya."

Nagulat ako nang niyakap n'ya 'ko "Ssshh.. It's okay." Hinahaplos-haplos n'ya ang likod ko.

'Di pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Inalis n'ya ang dalawang kamay ko sa mukha ko. He wiped my tears using his thumb finger.

"Lory stop crying..."

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero ayaw talagang magpaawat ang mga luha ko.

"Sorry for this pero mukhang eto lang ang paraan para mapatahan kita."


He held my chin at nakita ko ang mga titig n'ya sa'kin. Dahan-dahan n'yang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko.

Ilang segundo lang ay naramdaman kong lumapat ang labi n'ya sa'kin. Napatigil ako at ramdam ko na napakabilis ng tibok ng puso ko.

Napapikit na lang ako at kasabay n'yon ay tumigil na sa pagpatak ang luha ko. Ilang oras lang din ang nakakalipas ay narealize ko na may nangyari na pala sa'min.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!