Kazumi's note: dedicated to her kasi s'ya ang gumawa ng new cover sa side! Super ganda! Waaah!

------------------------------------------------------------------

Special Chapter 4

Silver's POV

After a couple of days, naging masaya naman ang buhay ko with Angel. Pero nga lang, ayaw n'ya pa rin akong bigyan ng kiss. Tsk.

Nasa kotse ko kami ngayon, on the way na sa school.

"Sige na please?" Nakakailang pa-cute na ko dito pero hindi tumatalab sa kanya.

"Naku Silver hindi gagana 'yang puppy eyes mo sa'kin."

"Edi kitten eyes!" Nagkitten eyes ako sa kanya. Haha! Meron ba nun?

"Hahaha! Ano ba 'yang mukhang 'yan? Hahaha!"

Masaya ako tuwing naririnig ko yung tawa n'ya. Buti naman, tumatawa s'ya ngayon dahil sa'kin. Kadalasan kasi lagi 'yang masungit. Parang meron lagi.

"Atleast gwapo pa rin ako."

"Bakit ba ang hilig mong sabihin 'yan?"

"Eh kasi nga GWAPO ako and that's my motto."

"Haha abnormal!"

"Hmm...Ganito na lang Angel ko, kapag napatawa kita, pwede na kitang i-kiss. Deal?"

"Ayoko."

"Eeehh.. Sige na. May sinabi ka pa nga noong isang araw na 'next time' eh."

"Wala. Joke lang 'yun."

"Asar naman oh." Nahampas ko yung manibela.

"Haha. Gusto mo ba talaga ng kiss?"

"Oo nga."

"Edi gawin mo yung gusto ko."

Napangiti ako. "Sige! Sige! Ano ba yung gusto mo?"

"Ang gusto ko ay..."
 

Kung may kinakain siguro ako ngayon, nabulunan na ako.

Ang gara ba naman ng pinapautos n'ya!

"Ayoko! Ayoko! Hinding-hindi ko gagawin 'yan!"

"Then, wala kang kiss. Haha."

"Eh kasi naman, hindi naman bagay sa'kin 'yun!"

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!