Chapter 29

"Haha! Sigurado ka?" Tumingin ako ng mapang-asar. "Hindi mo alam, nagkakasama kami ng asawa mo kapag wala ka."

Nagkasalubong ang kilay n'ya. "Ano?! Tingin mo, maniniwala ako sa'yo?"

Nagsmirk ako para lalo ko s'yang maasar. "Okay lang kung ayaw mong manwala pero isang patunay na yung nakita mo kaming dalawa sa eskinita."

----

Third person's POV

  

Ayaw maniwala ni Grey sa sinasabi ng kanyang pinsan pero hindi n'ya mapigilan yung inis na nararamdaman n'ya. Tingin n'ya tuloy ay nagsasabi ito ng totoo.

"Wag kang magsinungaling! Nag-usap lang naman kayo!"

"Ay gano'n? Haha! Kawawa ka naman pala eh, wala kang kaalam-alam."

Hangga't maaari ay pinipigilan ni Grey na h'wag suntukin ang kanyang pinsan.

"Pero don't worry Grey, papatunayan ko naman sa'yo na totoo ang mga sinasabi ko eh, hindi nga lang ngayon." Naglakad na ito pabalik sa kotse n'ya. "Next time na lang ulit pinsan, bye!" Tuluyan na itong umalis ng mayroong ngiti sa labi.

Hindi alam ni Grey kung bakit parang naniniwala s'ya sa mga pinagsasabi ng kanyang pinsan. Pero hindi naman ibig sabihin niyon, wala s'yang tiwala sa kanyang asawa.

Kailangan n'yang makausap ngayon si Lory. Mamaya na lang n'ya aasikasuhin ang tungkol sa pagpapaalam n'ya sa dad n'ya para magleave sa trabaho.

----

"Oh Grey bakit nandito ka---"

"May kabet ka ba Lory?! Bukod sa'kin, may iba ka pang lalaki?!" Ito agad ang tanong n'ya nang makarating s'ya sa bahay.

Nagulat si Lory sa tanong nito. Diba't napag-usapan na nila ito na si Grey lang ang kanyang mahal? Bakit kaya nagdududa na naman ang kanyang asawa?

"Bakit ba 'yan ang itinatanong mo?!"

"Sumagot ka na lang!"

"Wala nga akong kabet! Bakit ba ayaw mong maniwala sa'kin na ikaw lang?! Ang kulit kulit mo!" Nagsimula na namang mag-ipon ang kanyang luha. Nang magbuntis kasi s'ya ay lagi na s'yang mabilis masaktan at hindi n'ya naman kayang kontrolin ang kanyang emosyon.

'Sh*t!' Sa isip-isip ni Grey.

Agad n'yang niyakap ang kanyang asawa. Bakit nga ba n'ya pinapaniwalaan si Sazer?! At nawala naman sa kanyang isip na sensitive ang asawa n'ya. Buntis ito at lagi n'ya itong pinapaiyak.

"I'm sorry Honey. I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit lang n'yang sinasabi 'yun.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!