a/n: tanong galing kay AinaChanSakura

question #1: Lory, uy inlove ka na kay Grey no? Aminin XD

Lory's answer: Ha? Ano yung inlove? Pasensya ka pero wala sa vocabulary ko yung salitang inlove! I hate LOVE! Naiintindihan mo ba 'ko ha?! Hate ko ang LOVE!!!

question #2: Grey, may perslab ka na ba?

Grey's answer: huh? Teka, ano yun? Hehe joke lang. Hmm..ang totoo n'yan ay......ikaw. Wahaha!

----

Chapter 13

"Napatingin s'ya sa'kin ng seryoso tapos biglang nagform yung labi n'ya ng nakakalokong ngiti. Ano namang nginingiti-ngiti nito?!

"Natutuwa ka pala sa'kin ah. Ibig sabihin, in---"

"Binabawi ko na. Nakakasora ka pala." Sabi na nga ba at magsasalita na naman s'ya ng kung anu-ano.

"Yiieee. Nadulas ka na eh! Hahaha!" Nadulas? Ano 'to? Slide? Okay, corny mo na Lory.

"Che. Joke lang 'yun."

"Hahaha! Kita n'yo 'yun mommy? Nahuhulog na sa'kin si Lory! Ang pogi ko kasi."

Hindi na ako nakipagtalo pa. Napapangiti na nga lang ako dahil sa kayabangan n'ya. Siguro sweet sila ng mommy n'ya dati nung nabubuhay pa ito. Haay, nakakainggit tuloy.

"Uhmm.. Grey, pwedeng magtanong?"

"Of course honey. Ano 'yun?" Talagang kinareer n'ya na yung pagtawag sa'kin ng 'Honey'.

"Ano ba yung ikinamatay ng mommy mo?"

Natulala s'ya ng ilang sandali at pagkatapos ay biglang naging malungkot yung mukha n'ya pero pilit s'yang ngumiti.

Kainis ka Lory! Bakit ba kasi tanong ka pa ng tanong?! Ayan tuloy! "A-ano, sorry sa pagtatanong. Napakatsismosa ko ka---"

"It's okay. Na-hit and run s'ya." Umayos s'ya ng upo at ganun din ako. Ang saklap naman pala ng nangyari sa mommy ni Grey, akala ko ay nagkaroon lang ito ng sakit. "Nagagalit nga ako sa sarili ko eh."

Nagtaka ako sa sinabi n'ya. "B-bakit?"

  

Mga ilang segundo bago s'ya nagsalita. "Ako kasi sana yung nandyan sa puntod na 'yan."

----

Grey's POV

Nalungkot ako sa tanong n'ya, para bang...nagbalik lahat sa'kin. Hayy naku ewan ko ba basta naalala ko ang mga nangyari kung paano namatay si mommy.

"Miss magkano?"

"350 po sir." Naglabas ako ng pera at nagbayad na ako. Kinuha ko na yung mga binili ko at lumabas na ng 7 eleven. Ang sarap ng buhay ko, napakatahimik. Pakain-kain na lang ako ng chocolate.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!