Special Chapter 2

"Hoy manyak! Babalik na 'ko sa room!"

"Can we just stay here for a little longer?" Mag-aaral na talaga ako ng english para makapagpa-impress sa kanya.

"Pa-english english ka pa d'yan! Ayoko! Okay na naman 'yang mukha mo eh!"

I pout. Baka sakaling effective eh. "Sige na please?" With matching puppy eyes pa 'yan! Oha! San ka pa?

"Yuck! Nakakadiri 'yang mukha mo! 'Di bagay!" Umalis na s'ya at siyempre, sinundan ko.

"Ito naman oh. Ang gwapo gwapo ko kaya!"

"Para kang dictionary."

Wow! Pick-up line haha!

"Bakit dictionary?"

"Ang kapal mo eh."

Sus! Akala ko kung ano na.

"Kyaaahh!!! Si Silver!" Bakit nandito na naman sila?! Jusko, sa bawat oras na ginawa ng Diyos, lagi ko silang nakikita!

"So sige na, maiwan na kita sa mga 'yan." Sabi n'ya ng may halong tono ng pang-aasar.

"Angel ko! Sandali lang!"

"Haha!" Tumakbo na s'ya palayo at dinumog na 'ko ng fans ko.

"Aray ko! A-aray!"

"Hala! Bakit ka may pasa sa mukha Silver?"

"Oo nga noh! Sino ang nagbabalak na sirain 'yang mukha mo?!"

"Gagantihan namin 'yun!"

Huminga ako ng malalim, kainis talaga 'tong mga 'to. "Girls! Tama na.. Gusto ko munang magpahinga."

"Huh?"

"Layuan n'yo muna ko please? Napapagod na 'ko." Psh, kailangan ko pang magdrama eh, tss.

"Silver.."

"Please?"

"Bakit---"

"Parang awa n'yo na." Langhiya, para akong bakla.

"Silver anong---"

"Ayoko munang lumapit kayo sa'kin."

"O-okay.." Lumayo sila at naglakad na 'ko palayo.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!