Chapter 4

Dahil nga sa lasing na 'ko, hindi ko alam na pumapayag na pala akong magpahalik sa kanya.

Habang nasa ganoon kaming posisyon, bigla na lang may nagdoorbell kaya't nagulat kaming pareho.

----

Grey's POV

"Are you sure? Papayag ka talagang magpakasal sa anak ko?" Tanong sakin ni tita Len. S'ya yung nanay ni Lory.

"Opo. Matagal na po talaga akong may gusto sa kanya." Okay lang naman magsinungaling paminsan-minsan diba?

"Oh I see. Paano nga pala kayo nagkakilala ng anak ko?"

"Po? Hindi pa po kami nagkakakilala."

"Ha? Eh paano ka pala nagkagusto sa kanya?"

Patay, anong sasabihin ko? "A-ano po.. Lagi ko lang po s'yang tinitingnan mula sa picture." Totoo naman yung sinabi ko. Lagi kong tinitingnan yung picture ni Lory. Simula kasi nung nakita ko 'yung picture nito kay Mae, hindi ko na napigilan ang sarili ko na titigan 'yon at 'di katagalan, hiningi ko na rin 'yon kay Mae tapos nalaman kong barkada n'ya pala 'yon. Sabi ko nga kay Mae eh kung pwede n'ya kong ipakilala kay Lory. Kaso sabi naman ni Mae, bakit daw? Kaya ayun, wala akong naisagot. Bakit nga ba? Alangan namang sabihin kong gusto ko si Lory? Eh hindi naman totoo 'yun. Siguro dahil lang sa naattract ako sa ganda at sobrang kasexyhan ng babaeng 'yon kaya ganoon na lamang yung kadesperadahan kong makita si Lory.

"Ah. Nagkagusto ka sa kanya dahil sa maganda lang s'ya?"

"Hindi naman po sa ganun. Feeling ko naman po kasi eh mabait s'ya." Sige, magsinungaling ka lang Grey. Bagay sa'yo 'yan.

Ang isa ko pang reason kung bakit gusto kong magpakasal kay Lory ay dahil sa ipinipilit ako ng dad ko na ipakasal dun sa panget na babaeng ang pangalan ay Sina. Oh kita n'yo? Pati pangalan ang panget. Kaya ayun, sinabi ko lang naman kay dad na sa iba na lang ako magpapakasal. Ang gusto lang naman n'ya kasi ay mapakitaan ko s'ya ng mga apo. Take note: MGA APO. And then, pumayag naman s'ya. Basta lang ba daw eh, ipakilala ko agad sa kanya as soon as possible dahil kung wala akong maipapakilala sa kanya ay no choice na lang daw ako. Kailangan na daw talaga n'ya akong ipakasal kay Sina.

"Mabait? Hahaha! D'yan ka nagkakamali. Ayaw nga n'ya sa mga lalaki eh. Ayaw na ayaw n'ya kapag ipinapadate ko s'ya kung kani-kanino."

Man hater pa yata 'yon. Naku, mukang mahihirapan ako.

"Ayos lang po iyon. Gagawin ko po ang lahat, babaguhin ko po s'ya." Naks Grey, totoo ba ang sinasabi mo? Napaka-makasalanan ngayon ng bibig mo.

She sighed. "Sana nga. Pero wala ng atrasan 'to ha?"

Yes! Haha! Byebye Sina! Hello Lory! "Opo."

Pagkatapos n'yon ay nag-usapan din namin na dun na 'ko titira sa bahay daw ni Lory. Sinabi n'ya rin sa'kin na s'ya na daw ang bahalang kumausap kay dad, basta wag na lang ako mamroblema.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!