Chapter 26

Pagkatapos kong ma-send yung text ay wala pa yatang 1 minute, nagreply agad s'ya.

"Wrong send ka miss."

Huh?

To: Sei 

~Sira ka ba?! Eto yung binigay mo sa'king number!

After kong i-send 'yon, tumawag s'ya. Sinagot ko yung tawag.

("Kung makapagsabi ka ng sira---")

"Pinagtitripan mo ba 'ko ha?! Sinabi mong ito ang number mo tapos sasabihin mong wrong send ako?!"

("Teka, babae ka?")

"Ewan ko sa'yo! Ang sarap mong batukan!"

("Wait lang ha? Sino ka ba talaga?!")

Ugh! Naiinis na talaga ako! "Si Malan 'to!"

Luckily, medyo malayo yung cr dito sa salas kaya hindi ako maririnig ni Lory.

("Wala akong natatandaang Malan.")

I rolled my eyes. Ang tanga-tanga n'ya! "Yung kasama ni Lory nung nag-usap kayo sa foodcourt!"

("Hmmm...ah! Naalala ko na! Ikaw yung nakausap ko sa kotse ko!")

"Akala ko ulyanin ka na."

("Ano 'ko matanda?! By the way, bakit ka napatawag?")

"Sabi ni Lory makikipagkita daw s'ya sa'yo. Haharapin ka na daw n'ya. Atsaka alam mo ba..."

("Ano?")

"...takot s'ya sa'yo."

("Ha?! Bakit?")

"Basta kayo na lang mag-usap mamaya."

("Hindi s'ya pwedeng matakot sa'kin. Baka---")

"So, may plano ka na?"

("Wala...")

"Aish! Ano ba naman 'yan!"

("Eh hindi ko kasi alam kung ano bang dapat kong gawin.")

Ang bobo naman nito! "Okay! Sasabihin ko sa'yo ang plano pero kailangan mo s'yang dalhin sa lugar na walang masyadong tao."

("Why?")

"Eh kasi nga..." Then in-explain ko na sa kanya yung plano ko.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!