Special Chapter 6

Angel's POV

"Ma'am, report na naman?!" Reklamo ng isa kong kaklase.

"Yeah. What's the problem with that?" Taas kilay na sinabi ni ma'am Cellie. S'ya ang aming guro sa T.L.E. at napaka-arte din nitong teacher na 'to. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero lagi kasi s'yang nagpapagawa ng kung anu-ano. Nakakainis nga kasi parang ayaw n'ya na kaming pagpahingahin.

"Ma'am individual po ba?" Tanong naman ni Theresa.

"Nope. In 1 group, merong 2 members." Naghiyawan silang lahat dahil doon. Inilapit ni Silver ang kanyang upuan sa'kin.

"Angel ko, tayong dalawa na lang ang magkagroup." Sabi n'ya habang tumataas ang kilay.

"Ayoko nga! Tamad ka kasi! Bababa lang ang grades ko."

"Grabe ka naman."

"Quiet!" Sigaw ni ma'am dahilan upang manahimik ang lahat. "Hindi pwedeng kayo ang mamili ng kagrupo n'yo. Ako ang maga-assign kung sino ang partner n'yo." Kanya-kanya na namang reklamo ang narinig namin. Kesyo bakit daw gano'n pa? Tapos yung iba naman ay walang pakialam. Basta bumagsak ang grade, ayos na sa kanila. "Don't worry, ito na naman ang huli kong ipapagawa sa inyo since 4th grading na and graduating students din naman kayo, pagbigyan n'yo na ako." Napasimangot na lang kami dahil sa sinabi n'ya.

----

"Gienel and Eula." Nag-apir ang dalawang magkaibigan na nasa harapan ko nang marinig nila ang kanilang pangalan. Buti pa sila! Naging magpartner!

"Silver and Peach."

"Ha?! Ma'am, ayoko sa ibang babae! Gusto ko kay Angel lang ako!" Walanghiya talaga 'tong lalaking 'to! Hindi marunong magsabi ng 'po' sa mas nakakatanda. Talagang kay tita Lory lang s'ya natatakot.

"No buts, Silver! Kung ayaw mo ng grade, then fine! Madali lang akong kausap!"

"Talaga! Ayoko ng grade!" Sinamaan ko ng tingin si Silver. Tinitigan n'ya lang ako.

"Ma'am, joke lang daw po 'yun sabi ni Silver! Gusto n'ya daw po sa kapartner n'ya!" Sigaw ko.

"Anon---" Sinamaan ko lang s'ya ng tingin kaya wala na s'yang nagawa. Nakita ko naman si Peach na nakangiti. Isa rin ito sa mga maaarte kong kaklase eh. "Nakakaasar." Dinig kong bulong ni Silver saka nag-de quatro ng upo, yung pacool na style.

"So, sino pa ang walang ka-group?"

Nagtaas ako ng kamay. "Ako po." At doon ko lang din napansin na nakataas ng kamay si Jarred.

"Since dalawa na lang kayo, kayo na lang din ang magpartner."

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!