a/n: tanong galing kay JhayTanCruz: Lory, what if mafall ka kay Grey? Would you have a doubt for it?

Lory's answer: Ano ba namang tanong 'yan?! Bakit ba lagi na lang tungkol kay Grey?! May gusto ba kayo sa manyak na 'yon?! Naaasar na 'ko ha!!!

----

Chapter 12

Lory's POV

Mahigit 30 minutes na kaming kumakain ng ice cream dito. Hindi ko na keri! Ang dami pang natitira! Bakit ba kasi umorder pa 'ko ng ganito karami?!

"Aray ko! Ang sakit na talaga ng tiyan ko!" Nakahawak ako sa tiyan ko. Feeling ko hindi na 'ko makakagalaw ng maayos. Para akong kumain ng tatlong sako ng bigas. Putek!

  

"First time kong kumain ng ganung kadami!" Sabi n'ya na parang nahihirapan na din.

"Tss, anong feeling?!"

"Masaya!!!" 'Yan ba ang nasakit din ang tiyan?! Nakakangiti pa?! Tss, abnormal 'to. Mana sa pinagmanahan.

"Ma'am, sir, eto na po yung total nung inorder n'yo." Lumapit sa'min ang isang cosplay girl at inabot ang papel. Kinuha ko naman agad 'yon at tiningnan. 

.  

2270 pesos?!

Gan'on kamahal lahat ng inorder namin?! Takte, para lang ice cream! Sobrang mahal naman n'yon!

Sabagay, kasalanan ko naman 'to eh. Ang dami ko kasing inorder. Ayan tuloy, mamumulubi ako!

  

Dumukot na 'ko sa bulsa ko at halos manlumo ako sa pera ko... 

.  

20 pesos!

Kinuha ni Grey yung papel sa'kin. Tiningnan n'ya ito, hindi man lang nashock. Naglabas na s'ya ng wallet n'ya at kumuha ng...limang libo?!

Grabe, barya barya lang nga pala sa kanya 'yun!

"Halika na honey!" Hinila na 'ko ni Grey.

"Sir may sukli pa po kayo!"

"Keep the change!" ANO DAAWW?!!! Sayang yung sukli!!!

"Grey yung sukli sayang!!!"

"Hayaan mo na, nag-eskandalo naman tayo kanina doon eh." Sumimangot na lang ako habang nagpapatangay kay Grey. Hinihila kasi ako ng kumag na 'to.

Lumabas na kami ng ice cream parlor shop. Hindi ko alam kung saan n'ya 'ko dadalhin.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!