Chapter 8

Pumihit ako ng higa. Ayoko pang imulat ang mga mata ko. Ang sarap sarap kaya ng tulog ko.

Teka, bakit may matigas na unan sa tabi ko?! 

Niyakap ko ito at labis akong nagtaka. Ano ba 'yan?! Bakit ang laki naman nito?!

"Hmm.. Lory, wag kang malikot."

S-sino 'to?! "Waahhh!!!" Tinulak ko s'ya hanggang sa bumagsak s'ya sa kama. May alien, sinong alien ang nakapasok sa kwarto ko?!

"Aw! Anong problema mo Lory?!"

Grey?! Si Grey ang alien?! "Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit katabi kita sa ka---"

Oh my Gosh! Wala s'yang damit! Waah! My virgin eyes! Nagkakasala ang mga mata ko!

W-wait a minute! T-totoo bang n-nangyari 'yon?!

Hala! Wala nga akong damit! T-tapos, m-may dugo din sa bedsheet!

 Waahh! Totoo nga! Akala ko panaginip lang!!!

  

"Bakit gulat na gulat ka d'yan?" Bago pa ako makapagsalita ay nauna na naman s'ya. "Uhmm.. Thanks nga pala kagabi. Nag-enjoy ako." Sabay smirk n'ya at kinilabutan ako dahil doon.

Nanlaki lalo ang mga mata ko at ramdam kong gumalaw ang mga ugat sa kasu-kasuan ko. "Takte! Lumayo ka sa'king hayop ka!!! Waahh! Demonyo ka!!!" Tumayo ako at kinuha ko na lahat ng bagay na pwedeng ipaltok sa kanya. Nakakita ako ng isang vase sa table at kinuha ko iyon. Handa na akong ipaltok sa kanya pero...

"Wiwit! Sexy talaga!" Nakatingin s'ya sa katawan ko at napatingin na din tuloy ako.

Jusko po, nakalimutan kong wala akong damit! Huhuhu! Eto na yata ang pinakamasaklap na bagay nangyari sa'kin!

"Animal ka!!!" Ipinaltok ko na sa kanya ang vase pero nakatakbo na s'ya palabas ng pinto. Nakuha n'ya na rin 'yung kumot kaya wala tuloy akong maipang-taklob sa katawan ko.

Nakita ko ang mga dress at underwear namin na nasa sahig.

Namula naman ako dahil sa nakita ko. Ano ba 'yan!

Huhuhu. Ang puri ko, wala na. Hindi ko akalaing nangyari talaga 'yon. Akala ko nananaginip lang ako.

"Meron ka na d'yang damit sa cabinet!" Sigaw n'ya habang natatawa-tawa mula sa labas ng kwarto. Napatingin ako sa cabinet at binuksan ko 'yon. Napasimangot ako. Sabagay, asawa ko na rin naman s'ya kaya dapat sa kanya lang mapunta yung v-card ko. Eh kaso iba pa rin eh! Dapat ibinigay ko 'yon sa taong mahal ko!

"Hindi ko naman 'to damit ah! Siguro sa mga babae mo 'to no?!"

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!