a/n: tanong galing kay- Akhociikenneth

question: Lory, anong gagawin mo pag nakunan ka?

Lory's answer: Magwawala. Ikaw, 'pag nakunan ka anong gagawin mo?
 

-----> si Malan po yung nasa picture sa baba sa side.

----

Chapter 21

"S-s'ya yung kasambahay?!" Tanong ko kay mama habang tinuturo si Malan.

Tumango s'ya. Nakakainis! Bakit 'yan pa ang kinuha n'ya?! Talaga bang small world na?! "Magkakilala na pala kayo. Hindi na ako mahihirapan."

"Ma! Ayoko sa kanya! Kaaway ko s'ya! Ayoko ng ugali n'ya!" Sorry to  say that pero 'yun talaga ang nasa isip ko.

"H-hanggang ngayon galit ka pa rin sa'kin Lory?" Ano namang inaarte nitong babaeng 'to?! Kung makatawag s'ya ng Lory sa'kin eh akala mo close na kami! Kapal!

"Sino ba naman ang hindi maiinis sa ginawa mo?! Umalis ka na nga dito!"

Halatang nashock si Malan pero tingin ko ay arte n'ya lang 'yon. Nilapitan agad ito ni mama. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko."

What?! Tama ba ang naririnig ko?!

"Lory, wag ka nang magalit sa'kin. Patawarin mo na 'ko sa kasalanan ko. Hindi ko naman sinasadya na basahin yung diary mo dati eh. Please, ibalik natin yung friendship natin." This time, mangilid-ngilid na yung luha n'ya.

Diary?! Anong pinagsasabi nito?! At tsaka, friendship?! Eh hindi nga kami magkaibigan eh. Kailan lang ba kami nagkita?! Ano bang feeling n'ya?! Nasa stage kami?! Merong roleplay?!

"Dahil nabasa n'ya lang ang diary mo, nagalit ka na agad sa kanya?!" Galit na sabi ni mama sa'kin. Tsk, naniwala agad 'tong matandang 'to.

"Ma, hindi ko alam ang pinagsasabi ng babaeng 'yan! Sinungaling 'yan eh!" Sa pagkakaalam ko, masamang nagagalit ng masyado ang buntis. Kailangan kong kontrolin ang emosyon ko.

"Wag ka nang magsinungaling!" Nagulat ako nang sigawan n'ya 'ko.

Sanay naman ako na sinisigawan n'ya ako eh pero hindi ngayon kasi ibang dahilan ang kinagagalit n'ya sa'kin. Naniniwala s'ya sa mga kasinungalingan ni Malan.

----

Grey's POV

"Mommy totoo po yung sinasabi ni Lory. Hindi n'ya po talaga alam yung sinasabi ni Malan na diary. Ang totoo po n'yan eh, isang beses lang po namin s'ya nakita. Nag-away pa nga po sil---"

"Iho, wag mo nang pagtakpan ang babaeng 'yan. Basta hindi n'yo na 'ko mapipigilan, buo na ang desisyon ko na magiging kasambahay dito si Malan."

"Okay, lagi naman kayo ang nasusunod eh. Bakit pa ako makikipagtalo?" 'Yun lang ang sinagot ni Lory pagkatapos ay pumunta s'yang kwarto.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!