a/n: tanong galing kay: cookiesmasherr

question: Grey, bakit ang gwapo mo? Bading ka ba? Baka kaya ka nagiging manyak para matago lang kabadingan mo? Sumagot ka!

Grey's answer: wala akong magagawa kung gwapo ako. Hindi ako bading. Aaminin ko naman na may pagkamanyak talaga ako bwahahaha! Kaya wag kang lalapit sa'kin! *o*

----

Chapter 16

Hindi s'ya nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon n'ya ngayon. Kabadong-kabado ako sa magiging sagot n'ya. Sana talaga hindi s'ya magalit.

"Uhh.. L-lory?" Hindi pa rin s'ya sumasagot kaya napagdesisyonan kong tingnan na s'ya.

Pagkakita ko sa kanya ay
.

.

.

.
tulog na s'ya.

"First time ko lang magconfess tapos palpak pa. Tss." Asaarrr!

Umandar na ulit ang ferris wheel. Bale nasa baba na kami ngayon.

"Honey gumising ka na." Kinalbit ko s'ya hanggang sa magising s'ya.

"Hmmm?" Nagmulat s'ya at nag-inat pa. "Nakatulog pala ako." Ay hindi, hindi ka nakatulog. Joke lang 'yun.

"Tara. Baba na tayo." Inalalayan ko s'yang makababa.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng amusement park. Medyo badtrip pa rin ako dahil nga dun sa palpak na pag-amin ko.

----

Lory's POV

Nasa kotse n'ya na kami ngayon pero walang nagsasalita sa'min. Bakit ganun? Napakatahimik n'ya.

"Saan na tayo?"

"Uuwi na." Sagot n'ya habang nakatingin ng diretso sa dinadaanan.

"Ah."


Mga 10 minutes na ang lumilipas, wala pa ring nagsasalita. Bakit kaya ang tahimik n'ya?

"Ah Gre--Honey, salamat nga pala ngayon ah."

"Okay." Ganun? 'Yun lang ang sasabihin n'ya? Bakit ba ang tipid n'ya magsalita?

"Galit ka ba?"

"Hindi."

"Eh bakit ganyan ka magsalita?"

"Wala namang masama sa sinasabi ko diba?" Oo nga naman. Wala nga namang masama sa sinasabi n'ya pero nakakabadtrip s'ya!

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!