a/n: Tanong galing kay daydreamer9_18

question: Lory, What would you to Malan if she steals Grey from you?

Lory's answer: I think hinding-hindi 'yan magagawa sa'kin ni Malan 'coz she's my friend.

----

Chapter 25

One week has passed. Sa loob ng one week na 'yon, lagi na akong sinusundan ni Sazer. Kapag may gala ang mga kaibigan ay hindi ako makasama dahil nga sa kanya. Lagi na lang akong nagkukulong dito sa bahay. I want to confess something, natatakot na 'ko sa kanya. Ewan ko sa sarili ko kung bakit nagkakaganito ako.

"Honey alis na 'ko."

Minsan nga, nakikita ko s'yang nakangisi. Doon ako kinikilabutan.

"Honey?"

Pinipigilan ko ngang wag matakot kasi diba hindi makakabuti 'yon sa buntis? Pero hindi naman kasi mapipigilan 'yon, masyadong emosyonal ang isang babae kapag nagbubuntis.

"Honey!" Napakurap ako ng alugin ni Grey yung balikat ko.

"H-ha? A-ano 'yun?"

"Sabi ko aalis na 'ko."

"Ha? Saan? Wag mo 'kong iwan, dito ka lang." Hinigit ko yung suot n'ya. Iiwan n'ya 'ko? Paano kung pumasok si Sazer dito?

Natawa s'ya. "Diba kailangan kong magtrabaho? Ano bang nangyayari sa'yo Honey? Ganyan ka din nung mga nakalipas na araw ah?" Tumabi s'ya sa'kin at tiningnan akong maigi na waring nag-aalala.

"A-ano. Wala lang. May iniisip lang ako."

"Ano yung iniisip mo?"

"Uhmm... 'Di na importante 'yun. Sige na baka ma-late ka pa."

"Oo nga pala. Sige aalis na ko" Tumayo na s'ya at inayos ang kanyang suot.

I kissed his lips. "Bye."

Nagpaalam na din s'ya abd after nun, umalis na s'ya. Pumunta ako sa dining room para kumain. 

----

Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at pumunta sa salas para manood ng tv.

Habang nagsusuklay biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko yung screen ng phone ko para malaman kung sino ang tumatawag.

Calling...
09157346985

  

Unknown number? Sino kaya 'to?

"Hello?"

("Hello Ry-ry.") Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko kung sino ang nasa kabilang linya.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!