a/n: dahil kinikilig ako sa mga comments nyo, isasama ko dito sina Lory at Grey XD

----

Special Chapter 3

"Kuya!" Sigaw ni Angel nang makarating kami sa ospital. Nakita naming kausap ng kuya n'ya yung isang doktor.

"Angel.." Pagkalapit ni Angel ay tinanong n'ya ang kuya n'ya.

"Anong nangyari sa kanya kuya?"

"Lumala na..." He sighed. "Kailangan na talaga natin s'yang ipa-opera pero wala naman tayong pera."

"Kuya..."

"Nagsusuka na s'ya ng dugo kanina. Ayoko s'yang makita sa gan'ong kalagayan."

"Kuya! Nakasahod na 'ko ngayon!"

"Hindi 'yun sapat. Malaking halaga ang kailangan natin."

Napuno ng katahimikan sa pagitan nilang mag-kapatid.

"P-pwede ko ba s'yang makita?" He nodded. Pumasok si Angel sa isa sa room at sumunod ako.

Confused pa rin ako sa nangyayari.

"Mama.."

Mama? Mama n'ya 'tong---ok, now I understand.

Nagtatrabaho s'ya sa restaurant na 'yun para makatulong at makapagbigay ng pambayad sa ipapang-oopera ng nanay nila.

Hmm...

"Mama.. Please lumaban ka." Walang tumutulong luha sa kanyang mata pero alam kong nagpapakatatag lang s'ya. "Please ma...please." this time, her voice cracked pero nagpapakatatag pa rin s'ya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang isang kamay n'ya. "Angel..."

"Silver.. iwanan mo muna ako."

"Hindi. Hindi ko magagawa 'yun."

"Please lang..."

"No..." Hindi ko s'ya pwedeng iwan lalo na't alam kong mas kailangan n'ya ako ngayon.

"Sige na Silver. Iwan mo na---" I hugged her.

"Wag kang mahiyang umiyak sa harap ko. Mas magiging magaan sa pakiramdam kapag nailabas mo 'yan."

"Silver.."

"Wag ka ng makulit. Iiyak mo na."

Then suddenly, her tears start to fall all over her face.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!