a/n: tanong galing kay- Rizzaritzsalazar

question #1: Lory, may chance ba na magkagusto ka kay Grey?

Lory's answer: Tae. Bakit ba ganyan na lang lagi ang tinatanong n'yo?! 'Di na ba kayo nagsasawa?! Si Grey na lang lagi ang bukambibig n'yo!

question #2: Grey, ano magiging reaksyon mo pag nalaman mong mahal ka ni Lory?

Grey's answer: Talaga lang ha? Uhmmm.. Ano... Uh.. Ano ba dapat?

----

Chapter 14

Lory's POV

"Adik ka! Tara na nga kasi sumilong! Ang lakas lakas ng ulan eh!" Pilit ko pa din s'yang hinihila pero ayaw n'yang magpatinag.

"It's no use kung sisilong pa tayo. Basang-basa na tayo eh."

Napatingin ako sa katawan ko. Oo nga, basang-basa na kami. Ano pa bang purpose kapag nagtago kami? Wala na naman diba?

"Alam mo bang pangarap kong magkaroon ng kiss kapag umulan?"

"So, anong gusto mong palabasin?!"

"Kiss tayo. Isa lang." Talagang naadik na s'ya sa kiss. Ingudngod ko kaya s'ya sa labi ko?! De joke lang.

  

Agad naman akong lumayo sa kanya. "Ayan na naman yung kiss na 'yan! 'Di ka na ba nagsawa?!"

"Hindi, ang lambot ng labi mo eh."

Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Manyak."

"Hahaha! Thank you." Sira ulo na yata talaga 'to. Sinabihan ko nga ng manyak tapos nagpasalamat pa.

"Abnormal ka talaga. Naku umuwi na nga tayo. Paalam muna tayo sa mommy mo." Humarap ulit kami sa puntod ng mommy ni Grey. "Goodbye po! Kailangan na po naming umuwi ni Grey! It's nice meeting you po tita---"

"Mommy na din dapat ang tawag mo sa kanya. Asawa mo 'ko eh."

"Edi m-mommy."

He smiled. "Ah mommy una na kami ah? Bibisita naman po kami next time."

Pagkatapos n'yon ay hinawakan n'ya ang kamay ko. Hindi na ako nagreklamo dahil sanay na rin naman ako. Hawak ko naman sa kabila kong kamay yung boquet pero bigla n'ya 'yun kinuha dahil baka mahirapan pa daw akong magbitbit. Hindi ko s'ya maintindihan kung talaga bang gentleman s'ya o manyak.

Naglakad na kami at nagkaroon din ng konting kwentuhan hanggang sa napunta ang usapan namin about sa Love.

"Grey, nagkaroon ka na ba ng first love?"

"Huh? Oo naman." Ang bilis naman nito sumagot. Talagang straightforward s'ya. "Joke lang! Nagselos ka noh? Hahaha!"

  

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!