Chapter 14: Her Fight

Magsimula sa umpisa
                                    

“Kailangan natin siya, Chloe.”

Sa sobrang inis ko, padabog kong hinampas ang kama. “NO! Paalisin mo yan! Da-dahil sa kanya…” Napahagulgol na ako. Hindi ko na kinaya ang mga nangyayari. Nawalan ako ng bestfriend, nawalan ako ng mapapagkatiwalaang alaga.. dahil ‘yun.. nagsimula lahat, sa pagbubukas ng kaso ko. Konti na lang.. sasabog na ako. Sasabog na ako sa sobrang sakit, sobrang galit, sobrang paninibugho. Ayoko na.. Tama na..

“You’re in danger, Ms. Nacional!” pagalit niyang sigaw sa’kin na nagpatigil sa pag-iyak ko. How dare him!

Sasagutin ko na sana siya nang hawakan ako sa balikat ni Martin. “Please Chloe, ‘wag nang magmatigas. Kelangan natin si Chief Verzosa ngayon.”

Natahimik ako sa sinabi niya. Naiinis ako dahil sa isipang nakakaya niya akong pasunurin.

“Your dog was found dead outside your apartment’s door. Hindi namin alam kung sino ang may kagagawan nun ngunit isa lang ang alam namin.”

Napalunok ako sa tono ng pananalita niya. Ang bigat ng hangin dito, para akong sinasakal sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

“Saan niyo dinala si Chloe?”

Nagsitaasan ang buhok ko, pagkarinig ko sa malalim na boses ni Martin.

“Yan ang nabasa ko.”

“He saw it written on the walls of your apartment… Written in blood. Dugo galing sa aso mo.”

Wala na akong naririnig mula sa kanila. It’s like my ears were blocked by something invisible which automatically shuts every sounds.. Ramdam ko ang paggaan ng ulo ko. Unti-unti na ring napapapikit ang mga mata ko. At ang dati ko nang madilim na mundo, ay mas dumilim pa nang nagpalamon ako dito.

***

“Umiiyak ka na naman!”

 

Nasa dulo siya ng parke ngunit nahalata niya pa din ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Pinanood ko ang pagtakbo niya papunta sa akin. Nang nasa tapat ko na siya, nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

 

“Wag mo kasing hayaang kuhanin nila ang baon mo!”

 

Natigil ang pag-iyak ko. Nginitian ko siya. Nawala agad ang lungkot ko nung nakita ko ang galit niyang anyo.

 

“Sabi nila, bibilhan mo rin naman ako ng pagkain.” I pouted. Kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha niya.

 

Ngumiti siya at kasabay nun ay ang pagpatong ng kamay niya sa tuktok ng ulo ko. “Hindi sa lahat ng panahon, nasa tabi mo ako. Kailangan matuto ka ring lumaban, Chloe.”

 

Bumusangot ako.  “Bawal daw makipag-away sabi ni mommy!”

 

Natawa siya sa sinabi ko. Ginulo  niya pa ang magulo ko nang buhok. “Ayokong may mangyaring masama sa mga taong mahal ko.”

 

Napangiti ako sa sinabi niya. “Mahal mo ko, Harveyboy?!”

 

Ngayon ko lang nakitang mamula ang mukha niya. Sobrang pula. May sakit ba si Harvey?! Bakit siya namumula?! Hala!

 

“Hindi noh!”

 

“Kakasabi mo lang kaya! Bahala ka nga dyan! Uuwi na ako!”

 

Tumakbo na ako papunta sa direksyon ng bahay namin. Hindi pa ako nangangalahati nang may  humawak sa kamay ko na nagpatigil sa’kin.

 

“Mahal kita.. kasi tinuturing na kitang parang kapatid. Ayokong.. may nagpapaiyak sa’yo. Ayokong.. mapahamak ka. Pero kung mawala ako sa tabi mo.. kailangan mong matutong lumaban. Lumaban ka, Chloe.”

 

“Lumaban ka..”

 

Napabangon ako sa kama nang hingal na hingal. A memory.. A memory from my past. A memory with him.

“Are you alright, Chloe?”

“Nandyan ka pala! Anong nangyari?” I tried to recollect my thoughts. Nang naalala ko na ang lahat, pinagdarasal ko na sana.. sana panaginip lang ang lahat ng ‘yun. Na hindi totoong nangyari yun. Nandyan pa ang bestfriend ko. Nandyan pa ang aso ko. Lahat nasa akin pa.

“You fainted and you’ve been asleep for hours. Kumain ka na muna.” Mahinahon ang boses niya. Sobrang lambot na parang ayaw niya akong masaktan sa pananalita niya.

“Totoo ba ang lahat?”

“Let’s not talk about that for now, Chloe. Kumain ka na muna.” Hinawakan niya ang braso ko para siguro gabayan ako ngunit tinabig ko lang ito.

“Totoo ba?” mahina ngunit punong-puno ng galit ang boses ko.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga. “Yes.”

“Nandyan pa ba siya?”

“Chloe..” hirap na hirap ang boses niya. “Don’t stress  yourself. Isipin mo muna ang katawan mo.”

“No, where is that investigator? Call him!”

Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa may gilid ko. “What do you want to do?”

“G-gusto kong lumaban, Martin. Lalaban tayo.” Hindi ko alam kung sino ang kailangan kong labanan. Kung si Harvey ba o ibang tao.. o ang lalaking nasa tabi ko ngayon. I know I shouldn’t trust him completely but he’s all I have. Ayokong pag-alalahanin ang pamilya ko. Ayokong maging pabigat na naman sa kanila. Ayokong madamay pa sila.

This is my fight.

I will fight.

“Kasangga mo ako, Chloe. I’m here for you. Kumapit ka lang sa akin.”

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon