Chapter 10: Her Value

Start from the beginning
                                    

“Kamusta ka dito?” Out of the blue niyang tanong.

Bigla ko tuloy naalala yung tumawag sakin kanina. Sasabihin ko ba sa kanya? Kinuha ko mula sa bulsa ko yung phone ko at may pinindot doon para mapunta sa mga recent interactions.

“Harvey, um.. tingnan mo nga kung sino yung huling tumawag sa'kin kanina.” Inabot ko naman ang phone ko sa kanya na agad naman niyang tinanggap.

“Unregistered number siya. Anong sinabi sa’yo?”

Sasabihin ko bang nakarinig lang ako ng paghinga? Sasabihin ko bang kinabahan ako sa tawag na ‘yun? Na parang sobrang pamilyar ng taong nasa kabilang linya?

“Wala nga eh.” Hindi naman siguro importante na malaman niya ‘to.

“Try nating tawagan? May load ka ba?”

Tumango lang ako. Narinig ko ang pagda-dial niya sa numerong iyon. Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan pa ako ng malamig.

Naramdaman ko na lang ang paglagay niya ng phone sa nakalahad kong kamay sabay sabing, “Out of coverage area na siya eh.”

Weird. Isang tabi ko na nga lang yun sa isip ko. Mase-stress lang ako!

Tumayo na ako at ngumiti sa kanya. “Baka loko-loko lang yun. Hugasan ko lang yung pinagkainan natin ah?”

Maglalakad na ako papunta sa lababo nang hinablot niya ang braso ko at ibinaon ang kanyang ulo sa pagitan ng leeg ko.

“Matulog na lang tayo, Chloe.”

“P-pero..”

“Please?” Hindi na ako nakasagot dahil hinila na niya ako papunta sa pang-isahang kama ko. Milagro nga ata na nagkasya kami.

Niyakap niya ako na nagpalapit pa sa mga katawan namin.. “H-harvs..”

“I can rest. I can rest just by seeing you smile.”

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tumahimik na lang ako. Pinilit ko na lang na patulugin ang sarili ko kahit na alam kong nakabukas pa ang ilaw at may hugasan pa sa lamesa.. Okay, fine. Kahit na sobrang lapit ng katawan namin sa isa’t-isa.

“I-I’m sorry..”

***

I’m sorry? Bakit siya nag-sorry sakin? Anong ginawa niyang masama?

“I-I’m sorry..”

 

Napakapamilyar din ng pagkakasabi niya ng mga salitang yun. Yung mga salitang huli kong narinig bago ako mapunta sa kadiliman – bago mawala ang aking paningin.

Sightless Love [COMPLETE]Where stories live. Discover now