“Harvey..”

“Masaya ako sa ginagawa ko, Chloe. ‘Wag ka nang mag-alala sakin.”

Natahimik ako sa sinabi niya. Sa tinagal-tagal na naming magkakilala, alam na namin yung nasa isip ng isa’t-isa. Para nga kaming may power of telephaty eh. Kaya alam kong, alam niya na nag-aalala ako sa kanya.

Tahimik lang siyang nagluluto. Kahit na amoy na amoy ko na ang aroma ng paborito kong ulam, hindi ko pa rin maramdaman yung sabik sa pagkain kasi nakokonsensya ako.

“Pa-hug nga ulit.”

“H-ha?”

Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa kamay ko. “Gusto ko ulit maramdaman yung yakap mo kanina. Nakakawala ng pagod. Pleaase?”

Natatawa ako sa tono ng pagsasalita niya. Para talaga siyang bata minsan.

“Ayoko nga!” pabiro kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

“Ganyan na eh. Pinagpapalit mo na ako sa kamukha KUNO ni Paulo Avelino. Mas gwapo ako dun diba? Diba?”

Tawa lang ako ng tawa sa pinagsasabi niya. Sino ang mas gwapo? Sa totoo lang… hindi ko alam. Iba kasi yung level ng kagwapuhan ng isa  kung ikukumpara sa isa. I think so? Ni hindi ko pa nga nakikita ang itsura ni Martin eh pero kung ganun na lang kiligin si Joyce maybe.. Ba't ba napunta na naman sa lalaking yun ang isip ko?!

Kung ihahalintulad si Harvey sa isang artista. Siguro… may pagkakahawig sila ni Enrique Gil. Tama! Sa mata at sa ilong, magkaparehas na magkaparehas sila.

“Mas gwapo ka, bestfriend kita eh!”

Nakarinig ako ng paglapag ng mga plato, tapos na siguro siyang magluto.

“Malakas lang talaga ako sa’yo.” sabi niya sabay tawa. Medyo malayo nga ang boses niya sakin dahil siguro, nasa maliit na lamesa na siya. After that laughter, I heard a sigh. Tatawa siya tapos bubuntong-hininga?

Tatanungin ko na dapat siya dun nang hilain na niya ako papunta sa lamesa.

‘Eto ang gusto ko sa bestfriend ko eh! Ang pagiging expert niya pagdating sa kusina. Manang-mana talaga siya kay Tita Sunshine.

“Taste like heaven, Harvs!” hindi ko na napigilang isigaw sa kanya, dahil sa sarap ng niluto niyang sinigang.

“Now I can rest.”

I gave him a quizzical look.

“Wala! Kumain ka na lang!” sabay bato sakin ng tissue ata yun?! Sinimagutan ko na lang siya at pinagpatuloy ang paglantak sa pagkain.

Nakadalawang kanin ata ako dahil sa niluto niya. Ang tahimik nga namin eh. Galit galit talaga muna kami pagdating sa pagkain. Parehas pa naman kaming matakaw nito. Pero.. ako lang ata ang kumakain ngayon, kasi ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sakin.

Sightless Love [COMPLETE]Where stories live. Discover now