Chapter 23: Touch her and you're dead.

Start from the beginning
                                    

Sinasabi ko na nga ba, papatayin talaga ako ng lalaki na 'to.

Hindi ko na kaya. Wala akong pakialam kung malate ako sa school. Hindi ko na kayang magtagal pa sa loob ng kotse na 'to.

Malalim akong bumuntong-hininga at dumilat. "Stoppppppppppppppppppppp!"

Halos sumubsob ako sa dashboard nang bigla niyang itinigil ang kotse. Masama ang tingin ko siyang binalingan.

"What?" Tila bored ang boses niyang saad habang gumagalaw ang ulo at mukhang siyang-siya sa nakababasag niyang tugtugin. Lumunok ako at gamit ang nanlalamig kong kamay ay pinatay ko ang nakamamatay na tugtugin.

"Pakitabi ang kotse mo at bababa na ako." Saad ko at tinuro ang tabing kalsada. Nasa gitna kami ng highway at hindi pa naman ako baliw para bumaba dito.

"No." walang kaemo-emosyon niyang saad at muling binuksan ang stereo. Inabot ko naman ito at muling pinatay. Tila nauubusan ng pasensyang tumingin siya sa akin pero nakapagtatakang hindi niya ako sinisigawan.

"What's your problem?" malumanay pa rin ang boses niyang saad pero halatang naiinis na sa akin.

Humalukipkip ako. "Ikaw ang problema. Look, I know na napipilitan ka lang na pasakayin ako dito sa kotse mo kaya nga bibigyan na kita ng pabor dahil alam ko naman na ayaw---"

"No. Bababa ka lang sa kotse na 'to kapag nasa HU na tayo." aniya at muling binuksan ang stereo.

"Fine! Pero please lang pakibagalan naman ang pagmamaneho mo at baka pwede ring hinaan mo ang---"

"This is how I drive. From now on, be used to it. You should be thankful that you're a friend of my sister. If not, I'm going to throw you out of this car because right now, you really annoy me a lot."

Napalunok ako at hindi na ako umimik pa. Mahirap na at baka mapalipad nga ako palabas ng kotse na 'to.

"SIS, can you slap me? As in now na... I think I'm hallucinating right now..."

Gusto mo ako sumampal sa 'yo? Conyo pa more!

"Did he just get out from Canes' car?"

Mukha ba akong lalaki? Bakit he? Grammar please!

"Oh my gosh! I thought she's dead na?"

Kung patay na ako malamang minulto ko na kayo. Echosera!

Parang mga bubuyog ang tao sa paligid ko nang bumaba ako sa kotse ni Cane na walang lingon-likod akong iniwan. Sanay na ako sa mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga tao dito sa HU kaya hindi na ako naninibago pa. Kaya balewala akong naglakad at hindi sila sinusulyapan. Gayunpaman hindi pa naman ako bingi para hindi marinig ang mga pinagsasabi ng mga bwisit kong kamag-aral.

Sinasabi ko na nga ba, bakit ba kasi hindi na lang ako bumaba ilang metro bago kami makarating sa HU? Ganoon na ba ka-big deal para sa kanila na makita akong bumaba sa pinakamamahal nilang si Hurricane?

Malamang oo ang sagot.

Sino nga bang mag-aakala na sasakay ako sa kotse ng bully ko?

Wala kang naririnig.
Wala kang naririnig.
Wala kang naririnig.

Paulit-ulit kong mantra sa isipan ko habang nakayuko akong naglalakad sa hallway ng HU. Halos huminto ang tibok ng puso ko nang may kamay na humila sa braso ko. Sa sobrang lakas nang pagkakahila niya ay napasubsob ako sa dibdib ng salarin. Nanlalaki ang matang iniangat ko ang paningin ko at nag-umpisang kumabog nang mabilis ang tibok ng puso ko ng makita kung sino ito.

Hurricane.

"Watch out." Saad niya habang nakatingin sa likod ko. Bagama't naguguluhan ay mabilis akong kumawala sa pagkakasandig sa kanya at nilingon ang tinitignan niya.

I almost forgot their daily routine of bullying me...

Sa isip-isip ko habang pinagmamasdan ang pamilyar na timba at ang nagkalat na tubig pero kung dati ay tubig lang ito. Ngayon ay may kasama na itong mga basura na nahihinuha kong ilang ligo ang gagawin ko bago maalis ang amoy sa katawan ko kung sakaling bumagsak ito sa akin.

Pinagmasdan ko ang paligid ko. Nanlalaki ang mga mata at halos hindi makapaniwala ang mga estudyante na nagkalat sa hallway. At naiintindihan ko ang nararamdaman nila. Dahil ako mismo hindi makapaniwala.

Binalingan ko si Cane na parang walang nangyari na iniaayos ang nagulo niyang t-shirt. Bubukas-sara ang bibig ko dahil may gusto man akong sabihin or rather itanong dito ay hindi ko masabi. Tahimik ang paligid at wala ni isa man ang kumikilos kahit na nga ba ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang klase sa HU.

"Hurricane! What the f&ck is wrong with you?!"

Napalunok ako nang marinig ang pamilyar na tinig na nagmumula sa likod ko.

Tornado.

Galit ang boses niya at mukhang alam ko na ang dahilan. Pinagmasdan ko si Cane na parang balewala pa rin dito ang ginawa niya at nagawa pang ngumisi. Muling nanlaki ang mata ko nang bumaba ang ulo niya palapit sa akin.

"You owe me a lot, Tagsibol." Bulong niya sa gilid ng tainga ko makaraan ay binaling niya ang paningin sa likod ko na siyang nakapagpalingon sa akin doon. Kung saan nakatayo si Torn na masama ang tingin pero kung dati ay para sa akin lang ang tingin na 'yon. Ngayon ay alam kong para na din ito sa kakambal niya.

"Did you just save this woman a while ago?" mariin ang boses na saad ni Torn.

"Yes."

"Why?!"

"Just because."

"What?! Are you kidding me right now?!"

Nawala ang mapaglarong awra ni Cane at seryosong tinignan si Torn. "Let's talk but not in this place."

"No. Wala ng dahilan pa para mag-usap tayo." Pumitik si Torn at nag-umpisang kumabog ang puso ko nang magsilapitan ang mga alagad niya. "Get her."

Napapikit ako at inantay na lang na may kumaladkad sa akin. Wala na akong planong lumaban pa. I decided that I will just let Torn hurt me the way he wants. Kung tatanungin niyo kung bakit? It's because I am still feeling guilty about what happened with his girlfriend.

"Stop. Touch her and you're dead."

Napadilat ako sa narinig ko at napabaling kay Cane.

What the--- Why is he doing this? He's scaring me... I don't understand it at all... What happened to him?

TBC

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now