Chapter 25 Closer You And I

64 4 0
                                    

Nakahiga na kami ngayon ni Frost sa bed niya. We're not doing anything naman e. Higa lang---tulog lang. Tsaka, 18 years old palang ako. Hindi pa 'ko handang isuko ang birhen ko. Pfft. Haha xD. Nakaunan lang ako sa braso niya habang nanunuod sa tv. Hindi pa kasi ako makatulog e. Siya naman nakapikit na 'yong mga mata pero hindi ko sure kung tulog na siya or patulog palang.

"Frost..."

"Hmm??" Eh? Gising pa siya. ^_^

"Nasa'n 'yong Daddy mo?"

"Out of town siya. Business trip yata. Ugh. Ewan." Tumingin ako sa kanya pero nakapikit pa din ang mga mata niya.

"Bakit ba galit ka sa Daddy mo?" Napadilat naman agad siya at napatingin ng seryoso sa'kin.

"Bakit mo ba tinatanong?"

"Wala. Curious lang ako." Napabuga siya ng hangin na naupo sa kama niya---not totally nakaupo---semi lying lang. Hinila niya 'ko palapit sa kanya tapos isinandal niya 'yong ulo ko sa balikat niya. Bale, naka-semi lying narin ako ngayon.

"Hindi naman ako galit sa kanya. Naiinis lang ako kasi ni minsan hindi niya manlang ako pinuri. Puro 'yong kamalian ko nalang ang napapansin niya." Seryoso niyang sabi. Napatingin ako sa kanya at bakas na bakas sa mukha niya ang inis at lungkot.

"Bakit kasi hindi ka mag bago? I mean, magpaka-tino."

"Ayoko." Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "Bakit kailangan ko pang mag bago e minahal mo naman ako kahit ganito ako?" Waaahhh!! Ano ba 'yan, kinikilig ako. ^_^ Pinisil niya agad 'yong right cheek ko. "Wag ka ngang masyadong kiligin."

"Aish. Hindi kaya. Ang corny mo nga e." Hehe. Deny pa more, Shane.

"Sus. Kinikilig ka nga e. Sige ganito nalang. Tutal naman hindi ka pa makatulog at hindi mo pa 'ko pinapatulog---mag kwento ka nalang ng about sa buhay mo. Makikinig ako." Uweee!! Bakit ang corny niya ngayon? -__- Pero kahit gano'n kinikilig parin ako. Hindi kasi ako sanay na ganito si Frost. Baka lalo akong ma-fall sa kanya e. Pfft. Haha xD. Niyakap ko lang siya sa bewang niya tapos dinantayan ko siya gamit ang right leg ko. Nahiga na din ako sa dibdib niya habang siya ay naka-semi lying pa din at nakahawak sa likod ko gamit ang right hand niya.

Pinikit ko 'yong mga mata ko. First time kong io-open ang buhay ko sa ibang tao. I mean, sa katulad ni Frost na hindi ko naman kamag-anak. Kay Grandma at Kuya lang kasi ako nag o-open. Lalo na 'yong mga feelings ko---sa kanila ko lang sinasabi. Pero ngayon, mag o-open na 'ko kay Frost----sa boyfriend ko.

I took a deep breath. "Galit ako sa parents ko---not totally galit. Medyo masama lang ang loob ko sa kanila. Kaya nga mas pinili kong lumayo sa kanila. Mas pinili kong mag tira sa New York at makasama si Grandma kasi do'n ako masaya---masaya ako pag kasama ko si Grandma. Sa kanya ko lang nasasabi lahat----nakikinig siya sa'kin at iniintindi niya 'ko. Hindi katulad nila Mom na lagi nalang si Sam ang tama. Lagi nalang si Sam ang magaling, mabait at sweet. E ako? Sabi nga nila may sarili daw akong mundo. Hindi naman ako magiging ganito kung hindi dahil sa kanila. Sila ang nag tulak sa'kin palayo sa kanila. Si Kuya, tulad ni Grandma, nakikinig din siya sa'kin. Pero ngayon, nag bago na siya. Si Sam narin ang gusto niya, ang favorite niya at ang mahal niya. Masaya naman ako sa New York no'n e. Kaso, pumunta si Sam do'n kasama namin ni Grandma last year. Do'n niya daw ipagpapatuloy ang pag-aaral niya dahil sa break up nila ng boyfriend niya. Ugh. Hindi naman sila mag bre-break kung hindi siya lumandi e. Kinu-kwento niya sa'kin 'yong about do'n noon, pero hindi ako nakikinig. Ni hindi ko na nga maalala pangalan ng ex niya. Wala naman kasi akong pakialam sa kanya kasi isa siyang malaking EPAL sa buhay ko. Ayoko siya. I hate her so much na 'yong tipong kahit kapatid ko siya gusto ko na siyang mawala." Dinilat ko na ang mga mata ko. Ngayon ko lang namalayan na umiiyak na pala ako. Tumingin ako kay Frost na seryosong nakatingin sa'kin. Ngumiti ako at natawa ng mahina. "Sorry. Nabasa ko 'yong damit mo ng mga luha ko." Natatawa kong sabi. Ngumiti naman agad siya at niyakap ako dahilan para mapahiga ako sa ibabaw niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko kaya napatingin ako sa mga mata niya. Pinupunasan niya lang 'yong mga luha ko kaya hindi ko mapigilang mapangiti. Sinandal ko ang noo ko sa noo niya then I closed my eyes. "Frost, 'wag mo 'kong iiwan ah. Ikaw nalang ang nakakapag-pasaya sa'kin ngayon bukod kila Jenica at Troy."

Mr. Notorious And I (Book 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang