Chapter 2 Bad Trip

157 8 1
                                    

Sam's Point of View

Tahimik lang akong nanunuod ng movie sa television dito sa sala. Wala akong ibang kasama kundi ang mga maids. Si Kuya kasi may practice daw sila ng basketball ng mga ka team niya. Varsity player kasi siya ng Sorborne University College. Si Mom and Dad naman, as usual busy sila sa work. Si Shane naman ewan ko kung saan na nakarating. Masyado siyang na excite sa bago niyang car. Sabi niya dito lang daw siya lilibot sa village e hanggang ngayon hindi pa siya umuuwi. Kaninang 9 am pa siya umalis, e 3 pm na ngayon.

Sabi ko nga sama ako sa kanya kasi gusto ko rin makasakay sa bago niyang car. Kaso ang sabi niya... "No, Sam. Nangako na 'ko kay Kikiam na siya ang mauuna na sasakay sa car ko. Mamaya mag tampo pa siya sa'kin e. Next time ka nalang, okay?"

Haha. Baliw talaga 'yong kapatid kong 'yon. Isipin mo nga, nangako siya sa Doraemon teddy bear niya na pinangalanan niyang Kikiam. At iniisip niya pa na mag tatampo ito.

Grabe. Mamamatay ako sa boredom. Sunday na ngayon at bukas na kami papasok ni Shane. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, natatakot ako. Ayoko na nga sana bumalik dito sa Pilipinas kaso sila Mom lang kasi. Ayoko naman suwayin 'yong utos nila noh.

Bigla namang tumunog 'yong phone ko na nasa table. Kinuha ko ito agad at tinignan ang caller ID.

~Ynna calling~

Waaahhh!! Si Ynna. Isa siya sa mga kaibigan ko since Senior High. Nabalitaan na siguro nila na nandito na 'ko sa Pilipinas kaya siya biglang tumawag. I miss her. I miss them so much. Sinagot ko naman agad ang tawag niya.

"Hello, Ynna?"

[Waahh!! Totoo nga!!] Tili niya sa kabilang line. Wait. No, hindi lang siya. May mga kasama siya. Tilian palang nila alam ko na kung sino sila. Kasama niya sila Win at Paw.

"Waahhh!! I miss you, guys!" Pati ako tuloy napatili na. Grabe. Ano na kaya mga itsura nila? Lalo siguro silang gumanda. Well, nakikita ko naman sila sa fb kaso iba parin 'yong makita ko sila sa personal.

[I miss you too, Sam...ouch naman, Paw!]

[Iiihh. Pahiram na kasi. Pakausap ako sa kanya!] -Boses ni Paw.

[Waaahhh! Ako muna! Ako ang bunso dito e!] -Boses ni Win.

Mukhang nag aagawan pa sila sa phone. Aw naman. Nakaka-touch kasi hindi halatang na miss nila ako. Haha xD.

[Shut up! Kanino ba 'tong phone? Sa'kin, 'di ba? So back off!] -Bulyaw naman ni Ynna sa kanila.

Woah! Ang taray niya parin hanggang ngayon. Natatawa tuloy ako kasi biglang tumahimik 'yong dalawa. Si Ynna kasi pinaka-mataray sa'min e. At ako naman pinaka-mabait. Chusera. Haha.

[Still there?] -Tanong ni Ynna.

"Err. Yeah. How're you...and the two bubbly girls?" I'm referring to Paw and Win. Masiyahin kasi 'yong dalawang 'yon e.

[I'm fine. The two? Well, they're still stupid.]

[Waahh! Ang sama mo, Ynna!] -Win.

[Yeah! You're so bad bad bad!] -Paw.

[Shut up!] -Ynna. [Kailan ka pa dumating? Ba't 'di mo manlang kami tinawagan?]

"Kahapon lang, Ynna. Sorry ah. Pagod kasi ako kahapon sa biyahe kaya kailangan ko munang mag pahinga. Tsaka, nag chika chika pa kami nila Mom and Dad about kay Shane." Err. Yeap. Nag usap usap talaga kami nila Mom kahapon habang natutulog si Shane. Tinanong tanong nila Mom kung kamusta si Shane sa New York? Kung may boyfriend ba ito o nagka-boyfriend? Kung masaya ba itong dumating sa Pilipinas or hindi? Puro si Shane lang ang topic namin nila Mom kahapon. Miss na miss na rin kasi nila 'yong sister ko na 'yon e.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now