Chapter 31 Martyr Na, Manhid Pa

71 4 0
                                    

Natulala ako. Hindi ko alam ang ipapalusot ko. Napalakas ang pagkakasabi ko. Huminga ako ng malalim at ngumiti.

"Hehe. Sana totoo na Shane Keibler-Sarmiento na ang pangalan ko." Palusot ko. Bigla naman siyang ngumiti at niyakap ako.

"Magiging totoo din 'yan. Dadalhin mo rin ang pangalan ko, pangako." Bigla namang pumatak ang luha ko. Bakit kailangan mong mangako kung hindi naman mangyayari? Bigla naman siyang humiwalay ng yakap sa'kin kaya pinunasan ko agad 'yong luha ko. "Hey, umiiyak ka ba?"

"H-huh? Hindi ah. Napuwing lang ako. Ang hangin kasi e."

"Sus. Na touch ka lang e. Halika na nga." Hinila niya na 'ko patayo at pababa ng rooftop. Siyempre nag pahila na naman ako.

"Sa'n tayo pupunta, Frost?"

"Sa banyo." Bigla naman akong namula sa sinabi niya. Napahinto ako kaya napahinto din siya.

"A-anong gagawin natin do'n?" Kinakabahan kong tanong. Bigla naman siyang natawa at pinisil 'yong pisngi ko.

"Kung ano ano iniisip mo. Mag palit ka nga ng palda mo. Kulang nalang makita ko singit mo sa sobrang ikli ng palda mo." Bigla naman akong namula sa sinabi niya. Masyado bang maikli? E ganito nga kaikli palda ni Sam e. -____- Inakbayan niya na 'ko at nag patuloy sa paglalakad. "Ang panget mo ngayon." Bulong niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Ano? Panget ako? Bakit?"

"Para kang clown. Hindi mo bagay mag make up. Tss. 'Wag ka nang gagamit niyan ah."

"Bakit?"

"Dahil ayoko." Ugh. Bakit si Sam ang kapal kapal ng make up? -____- Tinulak niya na 'ko papasok ng comfort room. "Mag palit ka na. Kundi, ako mag bibihis sa'yo." Banta niya kaya naman dali dali akong pumasok sa isang cubicle. Buti nalang dala ko 'yong shoulder bag ko. May extra palda kasi ako dito e. Meron kasi ako ngayon. Baka matagusan ako kaya nag baon ako nito. Eto 'yong palda na ginagamit ko talaga. 'Yong above the knee lang. After kong mag palit ng palda, nag hilamos agad ako para matanggal 'yong make up ko. Nag poldo lang ako tapos pabango then lotion. Humarap ako sa salamin.

"Aish. Bakit ba pinag babawalan mo 'ko, Frost? E 'di ba kaya mo nga nagustuhan si Sam kasi gano'n ang fashion niya tapos mahilig pa siyang mag make up? Ang gulo mo. Pasalamat ka mahal kita." Nakapout kong sabi sa sarili ko bago ako lumabas ng comfort room. Nakita ko naman agad siya sa gilid ng pinto at nakasandal sa wall habang nakapasok ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa niya. Nakatingin lang siya sa malayo na parang ang lalim ng iniisip. Lumapit ako agad sa kanya at kumapit sa braso niya kaya gulat siyang napatingin sa'kin. Tinignan niya 'ko ng taas baba tapos ngumiti siya.

"Much better." Sabi niya sabay tap sa ulo ko. Hinawakan niya na ang kamay ko tapos nag lakad na kami papunta sa Canteen. Wala ng mga estudyante dito dahil class hours na. Grabe. Ang bait naming estudyante noh? Hindi na kami pumapasok. Haha xD. Ngayon lang naman 'to. Babawi nalang ako next time. Ewan ko lang kay Frost kung may balak siyang bumawi.

Pinaupo niya 'ko sa isang upuan dito sa Canteen tapos may binili siya. Ewan ko kung ano. Ilang minuto lang ay bumalik na siya hawak hawak ang isang ice cream na kinakain niya. Napapout naman ako agad.

"Bakit isa lang binili mo? Pa'no naman ako?" Parang bata kong sabi. Tumawa naman siya agad tapos hinila ako palapit sa kanya. Pinaupo niya 'ko sa lap niya tapos sinubo niya sa'kin 'yong ice cream.

"Hati nalang tayo para tipid." Nakangiti niyang sabi kaya bigla akong natawa at pinalo ang dibdib niya.

"Ang kuripot mo ah." Sabi ko bago dumila sa ice cream na hawak niya. I find this cheesy. 'Yong tipong isang ice cream lang ang kinakain niyo. Halo halo na laway niyo. Pfft. Haha. So what? Nag ki-kiss na nga kami kaya wala ng arte arte pa. Ilang minuto lang ay naubos na namin 'yong ice cream. Nag tatalo pa nga kami kasi ang laki laki niya kumagat sa apa, konti lang tuloy nakain ko. Tapos tatawa tawa pa siya pag naiinis ako. Naka-upo parin ako sa lap niya habang nakasandal sa dibdib niya. Nag lalaro siya sa phone ko, ewan ko ba. May phone naman siya pero mas gusto niyang mag games sa phone ko. Sabagay, mas marami kasi akong games kesa sa kanya. "Frost, pahiram ako ng phone mo." Sabi ko. Kinuha naman niya agad 'yong phone niya sa bulsa niya tapos inabot 'yon sa'kin. Napangiti ako dahil ako ang wallpaper niya. Ewan ko kung sa'n niya nakuha 'tong picture na 'to. Siguro sa fb. Wacky face nga ako dito. Muntanga lang. Ang haba pa ng dila ko dito tapos ang big big ng eyes ko. Hehe. Wala siyang password kaya na open ko na ito agad. Pumunta ako sa message. Tinignan ko lahat. Puro mga unregistered number ang nag te-text sa kanya pero ni isa do'n wala siyang nire-reply-an. Siguro puro mga fan girls niya lang 'to. Wala naman akong kakaibang nakita maliban sa text ni Gizelle.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now