Chapter 40 Kidnapped

63 4 0
                                    

Continuation...

Pag bukas ng ilaw, nanlaki ang mga mata ko. Tumigil ang pag tibok ng puso ko at huminto ang pag ikot ng mundo. Tanging ang nag iisang lalaki lang sa harapan ko ang gumagalaw. Oh my God! Nag iinit na ang buong mukha ko. Sumasayaw siya sa harapan ko. 'Yong tipong swag pero sexy. May mga kasama siyang sumasayaw pero sa kanya lang ako nakatingin. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya. Bawat galaw niya, ang sexy. Pag sumasayaw siya, lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko. Abnormal yata 'tong lalaking 'to. Sobrang gwapo niya na e. Hindi makatarungan.

Tinanggal niya ang sando na suot niya kaya lalong nag init ang mukha ko. Tuloy tuloy na ang pag tagaktak ng pawis ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Nakita ko na ang katawan niya e. Nakita ko na lahat sa kanya pero bakit parang mas lalo siyang naging hot. 'Yong abs niya, abnormal na din. Ang sarap ulamin. ^_^

Kanin nalang ang ulam. Uweee! Tapos 'yong pawis niya, ang sarap kumuha ng baso at saluhin 'yon tapos inumin. Pfft. Kung ano ano na lumalabas sa bibig ko. E kasi naman e. -___-

Lumapit siya sa'kin habang sumasayaw. Waahhh!! Sisipain ko 'to e. Hindi niya ba alam na hirap na hirap na 'ko huminga? Init na init na 'ko oh.

Pumunta siya sa likod ko, hinawakan niya 'yong magkabilang balikat ko tapos bumulong siya sa tenga ko.

"I love you." Waaahhh!! Ayoko na. Gusto ko ng makawala sa tali na 'to tapos halik-halikan siya. Nata-touch ako. Shobra. "Close your eyes, Sweet heart." Bulong niya. Sobrang sexy ng boses niya. Kusa nalang akong napa-pikit. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya or kung anong gagawin niya basta hindi ako dumidilat. "Pwede ka ng dumilat." Bulong niya. Dahan dahan ko namang dinilat ang mga mata ko. Bigla nalang tumulo ang luha ko.

May mga pictures na lumalabas mula sa wall. Pictures naming dalawa. No'ng una kaming nag kita sa Quantum. 'Yong picture ko na sumasayaw ako sa X-box. Stolen shot siya. Hindi ko alam kung sino ang kumuha no'n. Pati 'yong paglalaro ko ng basket ball, meron din. First day, nakatalikod ako tapos may nakadikit na bond paper sa likod ko na may nakasulat na //hinalikan ako ni Frost// Sobrang dami kong stolen shots. Pati pag subo ko ng pagkain, meron. Pati pag bukas ko ng locker ko, meron. Pati pag lalakad ko ng nakayuko, meron. Pati pag tawa at pag ngiti ko, meron. Meron din 'yong nasa hospital ako at hinahalikan ako ni Frost. Umiiyak si Frost habang yakap yakap ako. 'Yong mga araw na inaalagaan ako ni Frost, meron din. Sinusubuan niya 'ko, nag wa-wacky face pa siya sa harapan ko para lang patawanin ako. Pati pag luluto niya, pag tulog namin ng magkatabi, panunuod ng magkatabi, pagyayakapan at pag kukulitan.

Ngayon ko lang naisip na sa tatlong buwan ko dito sa Pilipinas, dito sa Sorborne University, ang dami na palang nangyari. Ang dami ko na palang pinag daanan. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang tatag ko pala tapos sa isang iglap, bigla nalang akong sumuko.

Tinanggal na ni Frost 'yong tape sa bibig ko, mag sasalita sana ako pero bigla niya 'kong hinalikan tsaka siya ngumiti.

"Mamaya mo na sabihin na gwapo ako. Hindi pa tapos e." Sabi niya sabay kindat. Napangiti lang ako at tumingin sa harapan. May isang lalaking lumabas, ang lalaking sobrang mahal na mahal ko. 'Yong lalaking favorite na favorite ako. 'Yong lalaking sobrang over protective at sweet. Siya lang naman ang mahalagang lalaki sa buhay ko no'n e. Siya lang. Si Kuya lang.

"Tss. Ayoko sana 'tong gawin kasi ang corny. Basta, Frost, 'yong kotse ko ah. Dapat bukas meron na 'yon." Sabi ni Kuya kay Frost.

"Oo na. Gawin mo na nga inuutos ko. Binayaran naman kita e." Sabi naman ni Frost. Eh? Naguguluhan ako.

"Tss. Shane, pinapasabi ng gagong lalaking 'yan na panget ka daw." Bigla namang nag salubong ang kilay ko. Binato naman agad ni Frost si Kuya ng sapatos.

Mr. Notorious And I (Book 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя