Chapter 36 Miserable Shane

85 5 0
                                    

1 month later.....

Jenica's Point of View

Isang buwan na. Isang buwan na ang nakakalipas pero hanggang ngayon wala paring Shane. Hindi na siya pumapasok, walang nakakaalam kung bakit. Sa tuwing dadalaw ako sa bahay nila, pinapaalis lang ako ng magulang niya.

Kaibigan lang ako----bestfriend. Pero nasasaktan ako sa kalagayan ni Shane. Iniisip ko na sana okay lang siya. Na sana nami-miss niya 'ko. Na sana naman pumasok na siya kasi marami akong dapat ikwento sa kanya. Gusto kong asarin niya 'ko sa tuwing nag sasalita ako ng kung ano-ano. Gusto kong tumawa at kiligin siya sa tuwing ikwe-kwento ko 'yong mga nangyayari sa'min ni Harry.

Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang bestfriend ko.

"Tulala ka na naman. Kumain ka na nga." Sabi ni Harry pero yumuko lang ako at umiyak.

"Kasalanan 'to ng kaibigan mo----ng kaibigan niyo." Tukoy ko kila Drew, Harry at Troy. Gulat naman silang napatingin sa'kin. "Wala siyang kwentang lalaki. Mahal na mahal siya ni Shane tapos gagaguhin niya lang pala. Tignan niyo siya." Sabi ko sabay turo sa isang table kung saan nando'n si Frost kasama 'yong mga babae niya----mga bagong babae niya. "Ang saya niya noh? Nakikipag halikan siya sa kung sino sino, ni kahit saan nga nakikipag sex siya. Hindi manlang siya nahihiya pag may mga nakakakita sa kababuyan niya. He don't deserve to be love. Dapat sa mga katulad niya, namamatay, o kaya pinapako sa krus para mabigyan naman kahit katiting na kabutihan. Nagagawa niya pang ngumiti at tumawa samantalang 'yong kaibigan ko, hindi ko alam kung humihinga pa ba o hindi na dahil sa punyetang gaya niya." Gigil kong sabi. Hinaplos naman agad ako ni Harry sa likod ko para patahanin ako.

"Hindi na namin kaibigan 'yan. Wala naman 'yang kwenta e." Sabi ni Drew bago uminom ng juice.

"Tss. Master? Master niya mukha niya. Wala siyang kwentang leader. Napaka-walang kwenta." -Troy.

"Hayaan niyo na, Guys. Ang importante, sama sama parin tayo. Wala na tayong demonyong nakakasama tulad niya. May sarili na siyang buhay, may sarili na siyang mundo, pwes tayo rin meron." -Hazel.

Tama siya. Pero sana sa mundo namin, kasama namin si Shane. Sumandal ako sa balikat ni Harry. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko magiging boyfriend si Harry. Sobrang daming nangyari sa loob ng dalawang buwan. I mean, tatlong buwan na pala dahil mag Se-September na ngayon. Ako, masaya naman ang love life ko dahil hindi naman gago ang boyfriend ko. Si Shane, sobrang malas niya at napunta sa kanya si Frost.

Nag sisisi ako na pinag tulakan ko siya kay Frost dati. Dapat pala chineer ko nalang siya no'ng mga panahong ayaw na ayaw niya si Frost. Well, sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi.

Shane's Point of View

Nakatitig lang ako sa pregnancy test na hawak ko. Dalawang line, means, positive. Mag didiwang na ba 'ko? Mag sasaya na ba 'ko o mag pa-party kasi magkaka-baby na 'ko? Haha. Ang saya. Magkaka-baby ako ng walang ama.

Napayuko nalang ako at umiyak na naman. Bakit kasi sa dinami-rami ng lalaking mamahalin ko, ikaw pa? Bakit ikaw pa, Frost? Bakit hindi nalang si Drew, si Troy o kaya si Harry? Fvck naman e. Bakit nag sisisi ako ngayon? Ginusto ko 'to, 'di ba? Pinili kong magpaka-tanga. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sasabihin ko ba sa kanya? Pa'no kung wala lang sa kanya? Pa'no kung ipagpatubuyan niya lang ako?

Isang buwan na ang nakakalipas. Pero hanggang ngayon, meserable parin ang buhay ko. Nag kukulong lang ako sa kwarto. Dadalhan nalang ako ng mga katulong ng pagkain na madalas ay hindi ko pa kinakain.

Sila Mom? Minsan nag tatangka sila na kausapin ako pero hindi ako nakikinig. Nag so-sorry sila pero hindi ko sila pinakikinggan. Hindi na 'ko pumapasok kasi sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Hindi ko kayang makita si Frost. Hindi ko na kakayanin pang masaktan ulit. Ay oo nga pala, nasasaktan parin pala ako hanggang ngayon.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now