Epilogue

105 4 2
                                    

3 years later.....

Three years. Three years na kaming kasal ni Frost. Three years ko ng ginagamit ang pangalan niya. Sobrang saya ko. Lalo na sa tuwing gigising ako na siya ang nasa tabi ko.

Hindi naman siya nag kukulang, sumu-sobra pa nga e. Napaka-sweet niyang husband, napaka-caring na Daddy ng aming dalawang anak. Nag tataka ba kayo? Actually, twins ang anak namin. Isang babae at isang lalaki. Ang pangalan ng baby naming babae ay Sabrina Sarmiento at 'yong aming baby boy naman ay Luke Edward Sarmiento.

May sarili na kaming bahay. May trabaho narin si Frost----sa company ni Daddy. Ako? House wife lang. Pero kuntento na 'ko. Masaya naman akong alagaan silang tatlo. Lalo na si Frost. Aish. Kung alam niyo lang, mas mahirap pang alagaan 'yon kesa sa dalawa naming anak. Imbis na ako ang inaalagaan niya dahil binuntis buntis na naman niya 'ko e. Haha. Tama, buntis ako, 2 months palang naman.

Si Sab at Luke ay 3 years old narin. Si Sab, makulit pero super sweet lalo na kay Frost. Mas close kasi silang mag Daddy kesa sa'kin. Si Luke naman, parang si Frost. Napaka-bully. Lahat nalang pinagti-trip-an, pati kapatid niya. Pero napaka-over protective din niyan, ayaw niyang may ibang nag papaiyak sa kapatid niya. Tapos 'yong mga lalaking lalapit sa'kin, or lalapit palang sa'kin, sinusungitan niya agad tapos mag susumbong siya sa Daddy niya. Eto namang abnormal niyang Daddy, uupakan agad 'yong mga lalaki. Aish. Ewan. Pero masaya ako. Masayang masaya ako na magkaroon ng pamilyang tulad nito.

"Daddy!! Inaaway ako ni Kuya!!" Umiiyak na sigaw ni Sab sabay takbo palapit kay Frost. Nandito kasi kami sa sala, nanunuod tapos iniwan namin sila Sab at Luke sa garden dahil nag lalaro sila. Binuhat naman agad siya ni Frost.

"Sssshh. Stop crying na, Baby." Sabi ni Frost habang pinupunasan ang mga luha ni Sab. "Luke!! Pumasok ka nga dito!!" Sigaw ni Frost kaya naman pumasok agad si Luke na kunot noong nakatingin sa Daddy niya. "Anong ginawa mo sa Baby Girl ko?" Aish. Parang bata 'tong si Frost.

"Sweet heart, 'wag mo ng pagalitan si Luke. Come to Mommy, Baby." Lumapit naman agad si Luke sa'kin at naupo sa lap ko. "Ano bang ginawa mo kay Sab? Inaway mo ba siya?" Tanong ko.

"E pa'no ang bata bata pa lumalandi na. Ine-entertain niya 'yong mga suitors niya, Mommy." Walang emosyon na sabi ni Luke kahit halatang halatang naiinis siya.

"Is that true, Baby? Bakit nag papaligaw ka na?" Tanong ni Frost kay Sab.

"That's not true, Daddy. I'm just being nice to them kasi nakikipag-friends sila sa'kin."

"Nakikipag-friends? Psh. Pwede ka namang makipag-friends sa girls ah." Sabat ni Luke.

"Shut up. I'm warning you." Saway ni Frost kay Luke sabay turo ng index finger niya dito. Tumahimik naman agad si Luke. Tumayo na si Frost buhat buhat si Sab. "Gusto mo mag bake nalang tayo?"

"Daddy, gusto ko din!!" Sigaw ni Luke.

"Do I know you?" Sarkastiko na sabi ni Frost bago sila pumasok sa kitchen ni Sab.

"Frost." Saway ko sa kanya pero 'di niya 'ko pinansin. Aish. "Are you okay, Baby?" Tanong ko kay Luke na malungkot pero hindi umiiyak.

"Pupunta lang ako sa barkada ko, Mommy." Sabi niya sabay kiss sa cheeks ko at tuluyan na ngang lumabas ng bahay. O see? 3 years old palang may barkada na. Naaawa naman ako kay Luke. Si Frost kasi e.

Pumunta ako sa kusina at ayon nga, nag be-bake ang mag ama. Si Sab nakaupo sa table habang hinahalo 'yong egg.

"Frost, bakit mo naman ginano'n si Luke? Nasaktan 'yong anak mo sa ginawa mo." Inis na sabi ko sa kanya.

"Ginawa ko lang ang tama. Hindi niya dapat inaaway si Sab."

"Kahit na. Concern lang naman siya sa kapatid niya. Pag napaaway na naman si Luke, humanda ka sa'kin." Inis akong lumabas sa kitchen at pumunta sa kwarto.

Si Luke kasi, magka-ugaling magka-ugali talaga sila ni Frost kaya madalas din na hindi sila magka-sundo. Halos lahat namana ni Luke sa kanya, pati itsura, ugali at pananamit.

Si Luke, pag masama ang loob niya, nakikipag-away siya. Kaya kinakabahan ako na baka pag-uwi na naman niya, puro pasa na naman siya.

Hindi ko napapansin na umiiyak na pala ako. Naramdaman ko nalang na bumukas ang pinto. Nakatalikod kasi ako dito kaya hindi ko makita kung sino ang papasok pero alam kong si Frost 'yon.

Niyakap niya 'ko mula sa likod ko at hinalikan ang mga luha ko.

"I'm sorry."

"Bakit kasi ginano'n mo si Luke?"

"Ayoko lang naman na pinapaiyak niya si Sab e."

"Bakit ako? Ayoko rin naman na pinapaiyak niya si Sab ah. Pero pakinggan mo rin naman 'yong side niya. May point naman siya e. Ikaw ba, gusto mo bang may dumidikit dikit na lalaki sa'kin?"

"Fvck! Of course not!"

"Yon naman pala e. Gano'n din si Luke. Ayaw niyang may dumidikit na lalaki sa kapatid niya bukod sa'yo at sa kanya."

"Sorry. Gusto ko lang naman na mag sorry siya pero hindi niya ginawa. Nag rason pa siya ng nag rason. Ayoko ng gano'n."

"Ayaw mo ng gano'n pero gano'n ang ugali mo? Parehong pareho lang kayo ni Luke, Frost. Dapat naiintindihan mo siya."

"Sorry na. Kakausapin ko si Luke mamaya. Hindi ko rin naman matitiis 'yong anak nating 'yon e. Sorry na ah. 'Wag ka ng magalit. Baka mapa'no si Baby e." Nanlalambing niyang sabi habang hinihimas himas ang tummy ko. Hinawakan ko naman agad ang mukha niya at hinalikan ang labi niya.

Hindi ko rin naman siya matitiis e. Love na love ko kaya siya.

*blag*

"Sh*t! Sab, bakit hindi ka kumatok?" Inis na sabi ni Frost kay Sab na nakatakip ang dalawang mata dahil sa nakita niya.

"Sorry, Daddy. I didn't see anything." Namumula na sabi ni Sab. Napa-sigh nalang si Frost na lumapit kay Sab at binuhat ito. Tinanggal niya na 'yong mga kamay niya na naka-takip sa mga mata niya.

"Ano bang kailangan ng baby ko?"

"Daddy, si Kuya may kaaway."

"What?!" Gulat na tanong ni Frost. Napatayo naman ako agad. Binigay ni Frost sa'kin si Sab kaya binuhat ko ito agad.

Tumakbo na si Frost palabas ng bahay at sumunod naman kami. O Diyos ko. Ang baby boy ko.

Naabutan namin si Luke na binubugbog ng tatlong batang lalaki na sa tantiya ko ay 6 years old na. Shocks! My baby boy is only 3 years old.

"Bitawan niyo nga anak ko!" Bulyaw ni Frost sa mga bata kaya binitawan naman agad nitong mga 'to si Luke. Binuhat na ni Frost si Luke pero nakayuko lang ito. "Okay ka lang, Anak?"

"I'm fine, Daddy. I'm a brave man." Walang emosyon na sabi ni Luke. Niyakap naman agad siya ni Frost at sabay sabay na kaming pumasok sa loob. Si Sab, buhat ko. Si Luke, buhat naman ni Frost.

"Galit ka pa ba kay Daddy?" Tanong ni Frost sa kanya habang inaayos nito ang buhok niyang tayo tayo din. Frost Style eka nga. Hindi sumagot si Luke, nakayuko lang siya. "Sorry na. Sabihin mo lang kay Daddy kung anong gusto mo, ibibigay ko." Nanlalambing na sabi ni Frost. Bigla naman akong napangiti. Napaka-swerte ko talaga kay Frost. Siya ang pinaka-sweet na Daddy na nakilala ko.

"I just want to be with you. Let's have a family date, Daddy. The would be fun!" Tuwang tuwa na sabi ni Luke.

"Yehey!! Date tayo!! Date!! Hihi." -Sab.

Natawa nalang kami ni Frost. Sumandal ako sa balikat niya at bumulong sa tenga niya.

"I love you, Mr. Notorious."

END! ❤❤❤

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now