Chapter 18 Nice Talking

69 3 0
                                    

Excited akong pumasok ngayon. I don't know why. Pfft. Weird. Hindi ko nalang pinapansin 'yong masasamang tingin sa'kin no'ng mga babae. Sanay na 'ko sa kanila. Sila naman mapapagod, 'di ba?

Pag pasok ko sa classroom, nakita ko sila Troy na seryosong nag uusap sa likod. Ni hindi nga nila ako napansin e. Ngumiti ako at lumapit sa kanila.

"Ano ba talagang pinag-usapan niyo ni Frost?" -Drew.

"Ayaw niya nga pasabi e." -Troy.

"Fvck you, Troy. Mag kakaibigan tayo. Bakit sa'yo lang siya nag o-open?" -Drew.

"Malay ko. Gwapo kasi ako e." -Troy.

"Tss. Wala kaming panahon makipag lokohan sa'yo, Troy. Anong pinag usapan niyo ni Frost? Bakit galit na galit siya?" -Harry.

"Ayaw niya nga pasabi e. Ang kulit niyo. Ako malilintikan pag sinabi ko. Hayaan niyo nalang kasi si Master." -Troy.

Napakunot naman agad ako ng noo ko. Si Frost? Galit na galit? Saan? Kanino? Bakit? Ugh. Bakit ba masyado akong nag aalala? E kasi kahapon okay naman siya e.

"Am. Guys?" Gulat naman silang napalingon sa'kin. Si Troy parang namutla pa. Ano bang meron?

"Uy, Shane. Hehe. Hi." Naiilang na bati sa'kin ni Troy. Si Harry naman ngumiti lang sa'kin. Si Drew, tumayo at lumapit sa'kin.

"Hi, Shane. Ice cream tayo ulit, gusto mo?"

"Eh? Na naman?" Natatawa kong tanong. Napakamot naman agad siya sa batok niya kaya napangiti ako.

"Sana."

"Haha. Mamayang break nalang. Mag ta-time na e." Nakangiti kong tanggi. Nag nod naman agad siya bilang tugon. Tumingin ako kay Troy pero ang tahimik niya. Nakakapanibago. Si Harry naman busy na naman sa phone niya. Err. Nevermind.

Bumalik nalang ako sa upuan ko dahil dumating na 'yong teacher.

Walang pumapasok sa utak ko ni isa sa mga sinasabi ng teacher namin. Napapaisip kasi ako e. Okay lang kaya si Frost? Puntahan ko kaya siya sa rooftop mamaya? Tama! Sasabay nalang ako sa kanya ngayong break. Para makita ko rin kung okay lang ba siya or hindi. Para kasing pino-problema siya nila Harry e. Ano kaya talagang meron? Aish. Naku-curious na naman ako. Tsismosa ko noh? Haha xD.

Third Person's Point of View

Inis na binalibag ni Frost 'yong bote ng alak na hawak niya. Wala siyang pakialam kung may matamaan man siya sa baba. E sa galit siya e.

Napasabunot siya sa buhok niya. Nanginginig na siya sa sobrang galit. Pilit siyang kinakausap nila Harry kanina pero pinag mu-mura niya lang ang mga ito. Wala kasi siyang panahon mag kwento. Kay Troy niya lang sinabi lahat dahil malaki ang tiwala niya dito. Si Troy lang kasi ang talagang sumusunod sa kanya bukod sa ibang members ng Blood. Si Harry at Drew kasi ay madalas na hindi pumapabor sa mga gusto at plano niya.

Kanina pa siya nandito sa rooftop. Ilang alak narin ang nainom niya. Ilang sigarilyo narin ang nahithit niya. Pati marijuana tinira niya na pero pakiramdam niya, wala paring nangyayari.

Nasasaktan siya---nasasaktan parin siya. Hindi niya alam ang gagawin niya ngayong nandito na si Claire. Hindi niya ininda 'yong mga sugat at pasa sa katawan niya. Pagkatapos kasi nilang mag usap ni Gizelle. Nag hanap na siya ng away para do'n ibuhos lahat ng galit niya.

Humiga siya sa kumot na nakalatag sa sahig. Pinikit niya ang mga mata niya tsaka unti unting kumawala ang mga luha niya. Alam niyang nakakabakla ang umiyak pero nasasaktan siya e.

Naramdaman niyang may humahaplos sa mukha niya. Dahan dahan niyang dinilat ang mga mata niya. Seryoso lang na nakatingin si Gizelle sa kanya. Kitang kita sa mga mata nito na malungkot din siya---malungkot siyang makita si Frost na nasasaktan. Alam niyang bitch siya. Masama ang ugali niya. Pero nag mamahal lang naman siya e.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now