Chapter 7 Chat

92 5 0
                                    

Sam's Point of View

"Sam, look that guy oh. Lagi naming napapansin na tingin ng tingin sa'yo. Mukhang type ka yata." Sabi ni Ynna habang naglalakad kaming apat dito sa hallway.

Uwian na kasi e. Well, maganda naman ang 1st day ko kahapon pati narin ngayon.

Napatingin naman ako sa lalaking nakasandal sa wall at nakatingin sa'kin. Nang mapansin niyang tumingin ako sa kanya, umiwas agad siya ng tingin. Mukha naman siyang may itsura pero still, I don't know him.

"Oo nga, Sam. Type ka yata. Pero in fairness, ang fugeeee ah." sabi naman ni Win sabay hampas sa braso ko.

"Ugh. Baka naman napapatingin lang sa'kin. Kasi, remember? I'm a transferee here."

"Okay. Sabi mo e." Nakangiti na sabi naman ni Ynna na may halong pang-aasar.

"Ynna, wala akong panahon sa mga bagay na ganyan, okay? Nandito ako para mag aral at hindi para makipag-landian."

"Kaloka. Landian agad? Don't tell me hindi ka parin nakaka-move on sa ex boyfie mo?" -Paw.

"Oo nga naman, Sam. Move on move on din pag may time." -Win.

"I'm already moved on, okay? Wala lang talaga akong panahon sa mga ganyang bagay."

"Err. Okay. Pero try mong i-entertain 'yong mga suitors mo. Ang gwa-gwapo kaya. Lalo na 'yon oh." Sabi ni Ynna sabay turo sa lalaking tingin ng tingin sa'kin. Ngayon, ina-admit ko na talaga na tingin siya ng tingin sa'kin.

Yeap. Marami na agad akong suitors kahit kaka-pasok ko lang kahapon. Anong magagawa ko kung maganda ako? Joke. Pero siyempre mas maganda parin si Shane sa'kin. Ay oo nga pala. May mga suitors din kaya 'yon? Siguro, kaso imposibleng magka-boyfriend 'yon do'n. Dakilang man hater 'yon e.

"Ewan. Bahala na." Sabi ko nalang. "Una na 'ko ah. Pupuntahan ko pa kasi si Kuya sa gym e. Bye, girls! Ingat!" Nag wave pa 'ko sa kanila bago ako tumakbo papunta sa gym.

Gusto ko narin kasi makaiwas sa topic namin do'n. Tsaka, sabay kami ni Kuya uuwi kasi hindi ako marunong mag commute.

Pag pasok ko sa gym, nakita ko na agad 'yong ibang players na mukhang kakatapos lang mag shower. Nasa'n na kaya si Kuya?

"Uy, chicks!" Sabi no'ng isang player bago dahan dahang lumapit sa'kin. Napaatras naman agad ako. Para kasing ang manyak ng dating niya e. Dinidila-dilaan niya pa 'yong labi niya. Yucks!

"Dela Cruz!" Sigaw ng isang lalaki. Boses niya palang, alam ko na kung sino siya. Hinila na 'ko ni Kuya palayo sa lalaking manyak. Tinignan niya ng masama 'yong lalaki na yumuko sa harapan namin. "Bastusin mo na lahat, 'wag lang ang kapatid ko. Sasamain ka sa'kin." Banta niya kay Dela Cruz yata. 'Yon ang nakasulat sa jersey niya e.

Hinila na 'ko ni Kuya palabas ng gym. Grabe. Ngayon ko lang nakita magalit si Kuya nang gano'n. Ang bait niya kasi sa bahay e. Kaya nga love na love namin siya ni Shane.

"Kuya, are you mad?" Tanong ko. Tumingin naman agad siya sa'kin at ngumiti. Pinisil niya pa 'yong ilong ko bago niya 'ko akbayan.

"Wag ka na ulit pupunta sa gym mag isa ah." Ngumiti naman agad ako at nag nod.

Pag dating namin sa parking area, pinag buksan niya na agad ako ng pinto ng car niya tapos pumasok narin siya at pumwesto sa driver seat.

Sinuot ko na agad ang seat belt ko at gano'n din siya then pinaandar niya na 'yong kotse niya. Tumingin ako sa kanya, tumingin din siya sa'kin saglit tapos ngumiti.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong niya habang naka-focus ang tingin niya sa road.

"Kuya, bakit wala ka pang girlfriend?" Halatang nagulat siya sa tanong ko pero sinagot niya din naman.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now