Chapter 24 I Love You

58 5 0
                                    

Pinag buksan na kami ng katulong nila ng gate kaya naman ipinasok na ni Frost 'yong motor niya sa loob. Nauna akong bumaba tapos sumunod naman siya. Hanggang ngayon namamangha parin ako sa bahay nila. Mas maganda kasi 'to kumpara sa bahay namin. Mas malinis, mas maaliwalas at mas maraming bulaklak.

"Tara na." Nakangiti niyang sabi sabay hawak sa kamay ko. As usual, hinila na naman niya 'ko. Siyempre gustong gusto ko naman. Kakilig kaya. Hihi ^_^

Pag pasok namin sa bahay nila, biglang may tumama na tsinelas sa mukha ni Frost kaya naman nanlaki ang mga mata kong napatingin sa bumato sa kanya.

O________O

Omo. Is that her Mom? Ang gorgeous naman. Sana ganyan parin ako kaganda kahit tumanda na 'ko. ^_^

"Aw sh*t!" Sigaw ni Frost sabay hawak sa mukha niya. Napatingin naman agad ako sa kanya at halatang nasaktan siya. Tinignan niya ng masama 'yong Mom niya pero parang pabiro, like that. "Mom!" Sigaw niya. Tinaasan lang siya ng kilay nito bago tumingin sa'kin. Napahigpit naman ako ng hawak sa kamay ni Frost. Waaahhh!! Kinakabahan ako. Parang ang taray ng Mommy niya e. -___- Nagulat ako nang biglang ngumiti 'yong Mommy niya sa'kin kaya naiilang akong ngumiti pabalik.

"Ikaw na siguro si Shane. Am I right?" Nakangiti niyang tanong bago lumapit sa'kin.

I pursed my lips. "O-opo. Nice to see you po, Ma'am." Natawa naman agad siya at napailing.

"Don't call me like that. I'm not a teacher or something. Just call me Tita or Mom if you like." Eh? Pwede? Hehe xD. Okay, Shane. Mag pakita ka naman ng hiya kahit konti. Pfft.

"Hehe. S-sige po, Tita." Hiya ako e xD. Ngumiti lang siya sa'kin tapos tumingin ng masama kay Frost.

"Mag uusap tayo mamaya, Frost." Tinuro niya pa ng index finger niya si Frost bago siya muling tumingin sa'kin. "Hija, sumabay ka na sa'min ng dinner ah. Ako nag luto."

"Sure po, Tita. Dito nga po ako matutulog e." Bigla naman siyang nagulat sa sinabi ko. Pati si Frost nagulat din. Eh? Bakit? Hindi ba pwede?

"Shane, wala naman sa usapan 'yon ah." Bulong sa'kin ni Frost. Bigla naman akong napa-pout. Akala ko kasi okay lang sa kanya e.

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa gano'n. Kaso, ang pangit lang tignan. Ugh. 'Di ba sabi mo gagamutin mo lang mga sugat ko? Wala naman sa usapan na dito ka matutulog."

I frowned. "Sige. Ihatid mo nalang ako kila Jenica mamaya. Ayoko umuwi sa'min e. Nag away away kami ng pamilya ko." Narinig ko naman siyang napabuntong hininga.

"Aish. Sige na nga." Napatingin ako sa kanya at napangiti.

"Waahhh!! Okay lang?" Tuwang tuwa kong tanong. Bigla naman siyang natawa at pinisil 'yong pisngi ko.

"Ehem." Sabay naman kaming napatingin kay Tita na ang lapad lapad ng ngiting nakatingin sa'ming dalawa. "Maiwan ko muna kayong dalawa ah. Mag hahanda lang ako ng dinner." Tapos umalis narin siya agad tapos pumasok sa kitchen.

Tumingin ako kay Frost at seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.

I smiled. "Wag mo nga ako tignan ng ganyan. Lalo akong nai-inlove sa'yo e." Bigla naman siyang napalunok tapos umiwas ng tingin. Aish. Ni hindi manlang kinilig. "Tara na sa kwarto mo para magamot ko na 'yang sugat mo." Hinila ko na siya paakyat ng hagdan---at ang loko, nag pahila nga. "Frost, umayos ka nga! Ang bigat mo kaya. Mag lakad ka ng maayos." Saway ko sa kanya kaya naman bigla siyang natawa.

"Pfft. Hahaha. Sino ba kasing may sabing hilain mo 'ko? Lika na nga." This time, siya naman ngayon ang nang hila sa'kin papasok sa kwarto niya. Nahiga siya agad sa kama niya, inunanan niya pa 'yong dalawang kamay niya at pumikit kaya napa-sigh nalang ako at napailing. Naupo ako sa dulo ng bed niya at tinanggal 'yong sapatos niya. Napapitlag naman siya sa pagkakahiga kaya napatingin ako sa kanya na kunot noong nakatingin sa'kin. "What do you think you're doing?"

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now