Chapter 10 Same Village

81 6 0
                                    

Saturday morning....

Yeap. Saturday na ngayon. Simula no'ng nangyari sa'min ni Frost, iniiwasan ko na siya. Pati narin sila Troy. Kami nalang lagi ni Jenica ang magkasabay tuwing break and lunch. Minsan nga hindi na kami nag be-break e. Tumatambay nalang kami sa School Park. Nag babaon nalang siya ng lunch namin kasi hindi na kami pumupunta sa Canteen.

Minsan nga nagi-guilty ako e. Kung kailan magkakilala na sila ni Harry, ngayon ko pa siya inilalayo. Imbis na paglapitin ko sila. Ugh. Dapat kasi wala nalang si Frost e. Pati tuloy sila Harry nadadamay sa paglayo ko sa kanya.

Maaga akong nagising. Ewan ko kung bakit. 4:45 am pa nga lang e. Kaso hindi na 'ko makatulog. Naligo nalang ako. Bigla ko kasing naisip na mag libot libot dito sa Village. Bibilangin ko lang kung ilan ang bahay dito. Haha xD.

Naka-white pedal ako. Above the knee ito and fitted sa'kin tapos nag suot ako ng light green hanging blouse na litaw na kitaw ang balikat ko tapos kita 'yong white strap ng bra ko. Nag pony ako ng hair. Manipis lang naman ang buhok ko tapos medyo blonde siya at kulot sa baba. Nag powder lang ako tapos nag lotion at nag pabango then kinuha ko na si Kikiam sa bed ko. Sakto naman na 5:30 na. Medyo matagal kasi ako gumayak e. Alam niyo na, babae e.

Nag tsinelas lang ako. Dito lang naman ako sa village mag lilibot e.

Bumaba na 'ko sa kwarto ko at pumunta sa kitchen. Nag luluto palang 'yong mga maids namin ng breakfast. Tulog pa siguro sila Kuya at Sam. Binati naman agad nila ako ng good morning at ngumiti lang ako sa kanila.

Kumuha ako ng glass then binuksan ko 'yong fridge. Kinuha ko 'yong milk then nilagay ko ito sa glass na hawak ko. Naka-tatlong baso lang naman ako ng milk bago ako lumabas ng bahay. Hehe.

"Hey, Kikiam. Mag lilibot lang tayo sa Village ah." Nakangiti kong sabi kay Kikiam bago ko siya yakapin.

Woah! Ang gaganda rin pala ng bahay dito. Halatang puro mayayaman ang nakatira. Halos lahat sila may mga pets. Kami lang yata ang wala e. Hindi naman kasi kami mahilig sa pet. Tsaka, masaya na 'ko kay Kikiam. Hihihi.

"Francis, don't run!" Sigaw ng batang babae sa aso niya na tumatakbo. Ang cute naman no'ng bata. Mukha siyang korean. Naka-white short lang siya tapos naka-white t-shirt na may design na heart. Naka-black rubber shoes pa siya. Iiihh. Ang cute naman ng fashion niya. Ang balbon ng aso niya tapos ang liit pa. White itong aso niya na may black black na dots. Haha gets?

Napansin kong papalapit sa'kin 'yong chowchow kaya naman sinalubong ko ito. Binuhat ko siya tapos hinimas himas. Waahhh! Ang cute. Natawa ako bigla ng dilaan niya 'yong cheeks ko. Hihi. Ang sweet naman niya.

"Thank you, Ate, for getting my pet." Nakangiti na sabi naman sa'kin ng batang babae. Parang may kamukha siya. Err. Nevermind.

"You're welcome." Ibinalik ko na sa kanya 'yong chowchow niya. Iiihhh. Parang gusto ko tuloy magkaroon ng chowchow tulad ng kanya.

"Francis, don't run again, okay? Pinakaba mo 'ko." Nakapout na sabi no'ng bata sabay yakap kay Francis. Hihi. Parang tao lang ang name? Tumingin naman sa'kin 'yong bata tapos ngumiti. "Ate, what's your name?"

I smiled. "My name is Shane. Ikaw?"

"I'm Fria. Nice to meet you, Ate Shane." Tapos nakipag shake hands siya sa'kin. So sweet. ^_^ "Ate Shane, friends na ba tayo?"

"Oo naman. Bakit?"

"Hihi. Nothing. Ang cute naman ng stuff toy mo, Ate Shane." Sabi niya sabay pisil kay Kikiam.

"Kikiam ang name niya. And thank you. Cute din si Francis."

"Hihi. Thank you din, Ate Shane. Ang weird naman ng name niya." Natatawa niyang sabi kaya napangiti nalang ako. "Ay, Ate Shane, gusto mo pumunta sa bahay?" Nagulat naman ako sa tanong niya.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now