Chapter 41 New Home

65 4 0
                                    

"T*ng ina! Ayoko na. Pagod na 'ko." Reklamo ni Frost sabay higa sa sahig at pikit ng mata. Sinipa ko naman agad 'yong paa niya kaya napapitlag siya. "Bakit ka ba naninipa?" Naiinis niyang tanong.

"Aba. Ikaw pa may ganang mainis. Kung tatamad tamad ka, e 'di sana hindi mo 'ko niyayang tumira kasama ka!" Bulyaw ko sa kanya sabay bagsak ng malaking box na hawak ko. Padabog akong naupo sa sofa ng condo na tinutuluyan namin ni Frost. Yeap. Naka-seperate na kami. Ewan ko ba diyan. Akala ko sa bahay nila kami titira, dito pala sa condo na binili sa kanya ng Dad niya. Lumapit naman agad siya sa'kin at niyakap ako. Alam ko naman na pagod na siya kasi kanina pa siya akyat baba sa building na 'to. Nag lilipat na kasi kami ng mga gamit namin e.

"Sorry na." Sabi niya habang nakasubsob ang mukha niya sa braso ko.

"Ikaw naman kasi e. Reklamo ka ng reklamo. Bakit ako ba hindi napapagod? Nakakapagod kayang mag linis at mag ayos ng mga gamit. Ginusto natin 'to kaya 'wag ka namang mag reklamo. Pareho lang tayong napapagod."

"Oo na po." Nakapout niyang sabi bago tumayo at nag lakad papunta sa pinto. Na guilty naman ako bigla. Parang ang bad ko na sa kanya. Dapat nga inaasikaso ko siya kasi magiging asawa ko na siya. Pero lagi ko nalang siyang sinusungitan. Masyado na 'kong nagiging confident na hindi niya 'ko iiwan. Baka mamaya mauntog 'yan at maisip na ang tanga tanga niya kasi pumatol siya sa sadista at masungit na babaeng tulad ko. Tapos maisip niya nalang na iwan ako. Hindi ko yata kaya 'yon. Tatawagin ko sana siya kaso nakalabas na siya sa condo. Hay nako, Shane. Ang bad bad mo talaga.

Napatingin ako sa wall clock, 2 pm na pala. Hindi pa kami nag la-lunch. Baka nagugutom na 'yon kaya nag re-reklamo. Tumayo na 'ko agad at pumunta sa kitchen. Tumingin ako sa fridge ng mga pwedeng lutuin. Mag luluto nalang ako ng chicken adobo para mabilis.

Nag start na 'kong mag luto, naririnig ko na bumubukas 'yong pinto tapos sasara ulit tapos bubukas tapos sasara ulit. Ugh. Si Frost lang 'yon. Taas baba kasi ginagawa niya dahil nasa parking lot 'yong mga gamit namin. Nasa malaking truck. May pasok kasi ngayon kaya walang tumutulong sa'min. Gusto nga sana nila Harry mag cutting para tulungan kami sa paglilipat namin kaso sabi namin hindi na. Mukhang mali 'yong desisyon ko kasi si Frost 'yong napapagod at nahihirapan dahil mag isa niya lang.

After kong mag luto, pumunta agad ako sa kwarto NAMIN. Haha xD. Naiilang ako kasi mag kasama na kami pero hindi pa kami kasal. Ano na nga tawag do'n? Live in yata 'yon. Haha ewan. Kumuha ako ng face towel tapos pumunta na 'ko sa sala, sakto naman na kapapasok lang niya, may bitbit siyang malaking box at binaba 'yon. Pawis na pawis na siya. 'Yong damit niya nga basang basa na. Lalabas na naman sana siya pero pinigilan ko na siya.

"Sweet heart, mamaya na 'yan. Kain muna tayo. Hindi pa tayo nag la-lunch e. Tignan mo. Pawis na pawis ka na." Sabi ko sabay punas ng pawis sa mukha at leeg niya.

"Anong ulam?" Pagod na pagod niyang tanong sabay akbay sa'kin papunta sa kitchen.

"Adobo lang niluto ko para mabilis." Naupo na kami. Nilagyan ko na ng kanin 'yong plate niya tapos ulam. Napangiti naman agad siya at pinisil ang pisngi ko.

"Ang sweet naman ng asawa ko."

"Haha. Baliw ka talaga. Hindi pa tayo kasal noh."

"Kahit na. Malapit narin 'yon."

"Hmm. Okay. Sabi mo e. Siya nga pala, pasok na tayo bukas ah. Nag i-start na kasing mag practice 'yong mga candidates."

"Psh. Hindi naman ako interesado e."

"Sweet heart, ang dami mong fan girls. For sure pag ikaw ang partner ko, susuportahan din nila ako." Sabi ko habang ngumunguya. Ngayon ko lang napansin na paubos na pala pagkain niya. Grabe. Gutom na talaga siya. "Gusto mo pa?" Tanong ko tsaka ko nilagyan ulit ng kanin at ulam 'yong plato niya.

Mr. Notorious And I (Book 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz