Chapter 1 Home

233 8 2
                                    

Shane's Point of View

"Oh my God! My daughters." Naiiyak na sabi ni Mom habang nakatakip ang left hand niya sa bibig niya.

"Mom!" Excited na sigaw naman ni Sam bago tumakbo palapit kay Mom. At ayon, nag yakapan na sila na akala mo sila lang ang nag e-exist sa mundo.

Nandito na kami sa Pilipinas ngayon ni Sam. Kung itatanong niyo kung masaya kami, obviously, si Sam oo. Pero me? Err. Never! Mas gusto ko parin mag stay sa New York with Grandma. 6 years old palang ako, nasa New York na 'ko. Minsan nag ba-bakasyon ako dito pero saglit lang. Si Sam naman, isang taon mahigit lang nag stay sa New York with us. Do'n niya lang naman ipinag patuloy ang pag aaral niya no'ng mag break sila ng boyfriend niya.

Bigla tuloy akong nalungkot kasi naman walang mag aalaga kay Grandma. Hindi pa mandin uso ang maid do'n. Sila Mom naman kasi e. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip nila at gusto nila kaming pag aralin ni Sam dito sa Pilipinas. For sure naman na nag titipid lang 'yang mga 'yan kasi ang mahal ng tuition fee sa New York. At least dito, may sarili kaming University. And take note, ang University namin ang isa sa pinaka-mataas na School dito sa buong Pilipinas---ang Sorborne University High School and College.

Nakakapang hinayang lang kasi Valedictorian ako do'n sa New York. Isang taon nalang graduate na 'ko ng Senior High School. Kung bakit naman kasi kung kailan Grade 12 na 'ko tsaka pa nila naisipan na i-transfer kami dito. Ang laki ng epekto nito sa'kin noh. Ni hindi ko nga alam kung paano ako mag a-adjust e.

Buti nalang nandito si Kuya Sync sa Pilipinas. E hindi naman 'yon umalis ng bansa e. Siya ang panganay sa'ming tatlong mag kakapatid. 21 years old na siya at kasalukuyang 3rd year college student sa Sorborne Univeristy College. Si Sam naman ang pangalawa, 19 years old na siya at 1st year college student. Malamang sa Sorborne University College din siya. Ako? 18 years old palang at Grade 12 student, obviously, sa Sorborne University High School naman ako.

No boyfriend since birth ako kasi I hate guys. Feeling ko kasi manloloko lang silang lahat at kiss or sex lang ang habol nila sa mga kababaihan. No offense huh? Kanya kanya naman kasi tayo ng paniniwala. E sa 'yon ang pinaniniwalaan ko e.

O siya. Let's go back to reality.

Inayos ko nalang ang sunglasses na suot ko tsaka ako lumapit sa kinaroroonan nila Mom at Sam. Nasa labas na nga kami ng Aiport e at may nakaabang na na Van na susundo sa'min.

Asan kaya si Kuya? Hindi ba niya kami sasalubungin? Aw. Nakakatampo naman. Si Dad? I don't know. Baka busy sa work niya kaya si Mom lang ang sumundo sa'min.

"I miss you, Mom."

"I miss you too, Samantha." Nag bitaw na sila sa pagkakayakap nila sa isa't isa. Si Mom umiiyak na. Tears of joy yata kasi nag kita na sila ulit ng favorite niyang anak.

Parang nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko. Bakit ko ba nararamdaman 'to? Kaya ayaw na ayaw kong umuwi dito sa Pilipinas e. Para kasing ang weird sa feeling tapos parang hindi ako makahinga.

"Oh my God! Shane! You're so gorgeous, Sweetie." Nakangiti na sabi naman ni Mom bago siya lumapit sa'kin at yakapin ako.

Hindi ko siya niyakap pabalik. E sa ayaw ko e. Mabait naman ako, kaso ang sama lang kasi ng loob ko sa kanya.....sa kanila ni Dad. Ni minsan kasi hindi manlang nila ako sinabihan ng "I love you" or "I miss you". Simpleng salita pero hirap na hirap silang sabihin sa'kin. O baka naman, hindi nila nararamdaman na mahal nila ako at nami-miss nila ako kaya hindi nila masabi?

"Mom, where's Kuya Sync?" Walang emosyon kong tanong ng humiwalay na siya ng yakap sa'kin.

"Secret." Nakangiti niyang sabi.

Mr. Notorious And I (Book 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin