Chapter 22 Spin The Bottle

63 5 0
                                    

"Pa'no ba 'yan, Drew? Ikaw nalang ang walang love life. Wahahaha. Mapang-asar na sabi ni Troy kay Drew dahilan para mag tawanan lahat. Si Drew naman tinignan lang ng masama si Troy bago tumingin sa'kin. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya kasi sobrang seryoso lang siyang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng ilang kaya naman umiwas ako agad tingin.

Tumingin ako kay Frost na nakaupo sa tabi ko. Nandito kasi kami sa rooftop ngayon. Tahimik lang siyang naninigarilyo habang nakatingin sa malayo. Hinawakan ko naman agad 'yong kanan niyang tuhod dahilan para mapatingin siya sa'kin.

"Frost, 'wag ka ng manigarilyo." Nakangiti kong bawal sa kanya. Bigla naman siyang ngumiti at hinalikan ang tip ng nose ko.

"Sige. Sabi mo e. Pero pwede last na 'to?" Tukoy niya sa sigarilyong hawak niya. Natatawa naman akong nag nod kaya pinag patuloy niya na 'yong paninigarilyo niya. Last naman na daw 'yon e. Kaya pag bibigyan ko na. Tsaka, dito siya nasanay kaya sigurado akong mahihirapan siyang pigilan 'yon. Pero sana mapigilan niya talaga. Ni wrapped niya 'yong right hand niya sa waist ko habang 'yong left hand niya ay hawak 'yong yosi niya. Isinandal ko naman agad 'yong ulo ko sa balikat niya at pumikit. Tahimik lang kaming dalawa habang sila Jenica ay nag uusa-usap. Hindi nalang namin pinapansin mga pinag uusapan nila. Kung ano-ano lang naman e. May about sa academics, sa away at sa mga girls or boys. Parang nag seselosan pa. Hehe. Bahala nga sila diyan. Basta kami ni Frost may sariling world. Haha xD.

"Frost..." Tawag ko sa kanya habang naka-close pa din 'yong mga mata ko.

"Hmm??"

"Boyfriend na ba talaga kita? I mean, tayo na ba talaga? E kasi hindi mo naman ako niligawan e." Hinihintay ko siyang sagutin 'yong tanong ko pero hindi naman siya nag sasalita kaya idinilat ko nalang 'yong mga mata ko. Nakatingin lang siya sa'kin na tila kinakabisado ang bawat parte ng mukha ko. Ngumiti ako sa kanya pero umiwas agad siya ng tingin. Huminga siya ng malalim tapos tinapon niya na 'yong sigarilyong hawak niya tsaka siya tumingin ulit sa'kin at ngumiti.

"Hindi naman na uso ang ligaw ligaw e." Natatawa niyang sabi kaya natawa nalang ako. Sabagay, 2016 na nga pala ngayon. Pero ewan ko ba. Gusto ko paring maramdaman na ligawan ako. Haha. Arte ko noh?

"Guys, spin the bottle tayo daliiii!!" Sigaw ni Hazel kaya napatingin kami agad ni Frost sa kanya. Tuwang tuwa siya habang pumapala-palakpak pa.

"Yay. Gusto ko 'yan. Tara spin the bottle tayo." -Jenica.

"Aish. Ang corny niyo talagang mga babae." Kamot ulo na sabi naman ni Drew.

"Woah! Okay lang 'yan, Dude. Gusto nga ni Baby ko e." -Troy.

"Ikaw ba, Harry, gusto mo?" -Jenica.

"Eh? Sige lang." -Harry.

Uweee! Parang may something na talaga. ^_^ Kating kati na naman tuloy akong tanungin si Jenica about do'n pero 'wag nalang. Hihintayin ko nalang na siya ang kusang mag open sa'kin.

"Oh yeah. Kayo, Master? Sali na kayo ni Shane." Yaya naman sa'min ni Troy. Nagkatinginan naman agad kami ni Frost. Halata sa mukha niya na ayaw niya pero ngumiti ako agad at tumayo.

"Tara na, Sweet heart. Sali na tayo." Hinila ko na siya patayo kaya naman napa-tss nalang siyang sumunod.

Bale, naka-circle na kami ngayon. Basta ganito pwesto namin.

Troy-Hazel-Jenica-Harry-Drew-Ako-Frost

Tapos nasa gitna namin 'yong bote ng soft drink.

"Ako unang mag i-spin ah." Sabi ni Jenica bago niya i-spin 'yong bottle. Lahat kami ay naka-focus lang sa bote, si Frost naman mukhang bored na bored. Ang kj talaga nito.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now