Chapter 12 Concern?!

93 3 0
                                    

Nakayuko lang akong nag lalakad sa corridors papunta sa classroom. E kasi naman e. Ang tatalim tumingin sa'kin no'ng mga babae. Ang laki ng problema nila sa mundo.

"Hay nako. Bakit ba ang landi landi mo, Friend?"

"Oy hindi ah. Hindi naman kasi ako tulad ng IBA DIYAN na malandi at makati."

"Hahaha. Ang bad mo talaga. Hayaan mo na. May mga tao talaga na pinanganak maging malandi. For sure naman na hindi niya kasalanang malandi siya, 'di ba?"

Mariin akong napapikit at dumilat din agad. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi dapat ako mag padala sa mga pag paparinig nila. Tss. Ako? Malandi? E sila nga 'tong kung makaasta akala mo girlfriend. E mga feelingera lang naman sila. Hmp.

Pumasok nalang ako sa classroom tapos nag basa ng libro. Ang daming humors ugh. Nakakainis. Nakakairita. Parang anytime sasabog na 'ko sa galit e. Kaso, kailangan kong pigilan ang sarili ko. Ayokong ibaba ang level ko sa mga taong tulad lang nila. Tss.

"Huy." Napatingin naman agad ako sa kumalabit sa'kin. Si Troy lang pala kasama si Drew at Harry. OA naman 'to makakalabit. Haha. Bigat ng kamay e.

"Bakit?" Nakangiti kong tanong. Nag tinginan naman agad silang tatlo at sabay sabay na nag siupo sa tabi ko. Ginulo na nga nila 'yong chairs e. Bale, nakapalibot silang tatlo sa'kin. Problema nila?

"Hindi mo na ba kami iiwasan?" Nakangiti na tanong ni Troy. Eh? Meganon? Pfft.

"Hindi ko naman kayo iniiwasan ah." Palusot ko.

"Anong hindi? E hindi mo nga kami pinapansin e. Tapos hindi pa kayo sumasabay ni Jenica sa'min mag break and lunch." -Drew.

"Oo nga. Alam mo bang nami-miss ko na si Jenica...aray!" Nakapout na sigaw ni Troy nang bigla siyang tiplakin ni Harry. Uweee! I smell fishy fishy. Parang may nag seselos kasi ii. Anong meron?

"Umayos ka nga." Inis na saway sa kanya ni Harry bago siya tumingin sa'kin. "So ano? Hindi niyo na ba kami iiwasan?"

I smiled and nods. "Hindi na. Sorry kung pati kayo nadamay sa pag-iwas ko kay Frost ah."

"Wala 'yon. E kaso, hindi naman kasi namin pwedeng iwan si Master para sa'yo. Master namin 'yon e." Kamot ulo na sabi ni Troy.

"Okay lang. Tsaka, kahit naman iwasan ko 'yong bwisit niyong Master, wala pa ding mangyayari kasi bukod sa schoolmate na kami, same village pa kami." Kibit balikat kong sabi. Bigla naman silang natulala sa sinabi ko. Si Troy ang unang tumawa ng malakas tapos sumunod naman si Drew. Si Harry naman parang nag pipigil pa ng tawa. Aba. Marunong din palang tumawa 'tong lalaking 'to?

"Pfft. Hahaha. Naniniwala na talaga ako sa Destiny. Hahaha xD." -Drew.

"Sabi ko sa'yo e. Destiny talaga sila ni Master. Hahahaha." -Troy.

"Tumigil na nga kayo. Pffft. Hahahaha!" -Harry.

E meganon? Sige. Tumawa lang kayo. Bahala kayo diyan. Tsaka, bakit may destiny destiny pa silang nalalaman? Aish. Mga abnormal talaga. Eto namang si Harry pulang pula na kaka-tawa. Ay teka. Ma-pitchuran nga. Ipapakita ko lang kay Jenica kung pa'no tumawa 'yong crush niya. Serious type daw kasi 'to e.

*click*

Tapos tinago ko na agad 'yong phone ko. Hindi naman nila napansin kasi tawa parin sila ng tawa. Tumigil lang sila nang dumating na 'yong teacher. Bumalik na sila sa upuan nila. Hindi ko maiwasang mapalingon sa kanila. Tumatawa parin kasi sila e. Kaso, hindi na masyadong malakas.

"Excuse me, Mr. Hellares and his company." Naka-cross arms na tawag sa kanila no'ng teacher namin. Napatigil naman agad silang tatlo at napatingin kay Ma'am.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now