Chapter 32 'Wag Mo 'Kong Iiwan

67 3 0
                                    

"Salamat sa pag hatid, Frost." Nakangiti kong sabi habang tinatanggal ang seat belt ko. Bigla naman niya hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Pero nakatingin lang siya sa seat belt ko na ngayon ay siya na ang nag tatanggal. Napangiti ako agad sa ginagawa niya. Tumingin siya sa'kin, napapikit nalang ako nang bigla niya 'kong halikan. Sinandal niya ang noo niya sa noo ko, nakapikit parin siya pero ako, pinag mamasdan lang ng malapitan ang mukha niya.

He sighed. "I love you." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Natulala ako sa mga sandaling 'to. Hindi ako maaaring mag kamali ng dinig. Sinabi niyang 'I love you'. Sinabi niyang mahal niya 'ko. Tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Bakit kailangan niyang sabihin 'yan kung hindi naman 'yon ang nararamdaman niya? Alam ko. Alam ko sa sarili ko na palabas lang lahat ng 'to. Pero ako namang 'tong si tanga na umaasa na sana totoo na. Tumingin siya sa mga mata ko. Hindi ko makita ng maigi ang mga mata niya dahil umiiyak na 'ko. Hindi ko makita kung sincere ba siya o hindi. Pero malabong sincere siya sa mga sinasabi niya. Siya na ang nag sabi na hindi niya 'ko mahal----ni hindi niya ako gusto, 'di ba? Sa kanya ko mismo narinig 'yon. Sa kanya mismo. "Hey, bakit ka umiiyak? Wala ba 'kong I love you back?" Nakangiti niyang tanong. Niyakap ko agad siya---mahigpit na mahigpit.

"I love you so much, Frost." Naramdaman mo namang ngumiti siya at hinalikan ang buhok ko.

"Sige na. Pumasok ka na. Gabi na oh." Humiwalay naman agad ako ng yakap sa kanya. Pinunasan niya na ang mga luha ko kaya ngumiti lang ako at nag nod. Tuluyan na 'kong lumabas sa kotse niya at pumasok sa loob.

Dire-diretso lang ako sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama ko at tinignan ang kwintas na suot ko. Hinalikan ko 'to at mariin akong napapikit.

"Akala ko gagaan na ang pakiramdam ko pag sinabi mong mahal mo 'ko. Pero bakit parang lalong bumibigat? Bakit parang lalong sumasakit? Siguro dahil hindi naman 'yon ang totoo. Pero kahit na, Frost. Hindi parin ako susuko. Magiging totoo din ang lahat. Magiging totoo din lahat lahat." Bulong ko sa sarili ko habang nakapikit at umiiyak. Hanggang ngayon hindi parin nauubos ang luha ko. Kailan kaya 'to mauubos! Napapagod na kasi ako e.

Sam's Point of View

Hinintay ko muna na makapasok si Shane sa loob ng bahay. Pinaandar na ni Frost ang kotse niya at akmang aalis na pero humarang agad ako sa harapan kaya napatigil siya. Pumunta ako sa passenger seat at walang ano-anong sumakay do'n.

"Bumaba ka sa kotse ko." Kalmado pero naiinis niyang sabi habang nakatingin ng diretso. Nag cross arms lang ako at humarap sa kanya.

"Layuan mo na ang kapatid ko. 'Wag mo na siyang pag laruan." Gigil na sabi ko sa kanya. Tumingin naman agad siya sa'kin at ngumisi.

"Sino bang nag sabing pinag lalaruan ko siya? Ikaw ang pinag lalaruan ko."

"Hayop ka, Edward. 'Wag mong idamay ang kapatid ko sa gulo nating dalawa." Hindi siya nag salita, umiwas lang siya ng tingin kaya napa-sigh nalang ako. "Edward, ayusin na natin 'to. Gusto ko ng bumalik sa dati ang lahat. Gusto ko ng bumalik sa'yo." Tumingin siya sa'kin tapos bigla siyang tumawa ng malakas. 'Yong tipong nang aasar ba.

"Hahaha. Nag papatawa ka ba? T*ng ina. Bakit? Nami-miss mo na 'ko? O baka naman wala ng humahalik sa'yo kaya gusto mo ng bumalik ako?"

"Edward, hindi sa gano'n! Masyado mo lang ginagawang komplikado lahat! Pwede naman nating ayusin 'to kung gusto mo! Hindi mo na kailangang gumanti! Hindi mo na kailangang gamitin ang kapatid ko! 'Wag mo naman siyang paikutin sa mga palad mo, Edward. Nag mumukha na siyang tanga. Maawa ka naman sa kanya. Inggit na inggit sa'kin si Shane. Lalong magagalit 'yon sa'kin pag nalaman niya na dahil sa'kin kaya mo siya sasaktan. Baka hindi niya na kayanin pa. Kaya bago pa lumalim 'yong nararamdaman niya para sa'yo, layuan mo na siya." Nag mamakaawa kong sabi habang tumutulo na ang mga luha ko. Hinihintay ko siyang mag salita pero nakatingin lang siya sa malayo.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now