Chapter 45 Blood vs. Amazing G

73 3 0
                                    

Shane's Point of View

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Sobrang sakit ng buong katawan ko. Mahapdi din ang mukha at leeg ko tapos ang bigat ng ulo ko.

Naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko. Napatingin ako dito at napangiti. Tulog na si Frost. Teka. Nasa'n ba 'ko?

"Shane, gising ka na pala, Anak." Nakangiting bati ni Mom sabay halik sa noo ko. Nandito rin sila Ate, Dad, Kuya, Tita at si Fria na tulog sa mahabang sofa.

"Mom, nasa'n ako?"

"Nandito ka sa hospital. Dinala ka ni Frost dito. Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ang dami mong sugat?" Nag aalala niyang tanong.

Bigla naman ako natahimik. Nasa mall lang kami ni Frost. Tapos pumunta akong banyo at nakita ko si Gizelle. Nag away kami kaso may dumating na isang lalaki at sinampal ako. Sinukmuraan pa 'ko at tinulak. Ang pagkakatanda ko, sa lababo tumama ang ulo ko at simula no'n, wala na 'kong maalala.

Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako kay Frost at hinaplos ang buhok niya. Namamaga pa ang mga mata niya at halatang kagagaling sa iyak. Siguro sobra siyang nag alala sa'kin.

"Kahapon pa 'yan nag babantay sa'yo. Ang kulit nga e. Ayaw umuwi." Kamot ulo na sabi ni Kuya dahilan para matawa lahat. Ibig sabihin kahapon pa nangyari 'yong sa mall? Napangiti naman ako agad. Ang bait naman ng future husband ko. Kinikilig ako. ^_^

"Okay na po ako. Salamat po sa pag aalala." Nakangiti kong sabi.

"Ano ba talaga ang nangyari?" Nag aalala na tanong ni Tita. Mag sasalita palang sana ako kaso biglang gumalaw si Frost. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Parang nawala 'yong antok niya.

"Shane, okay ka na ba? Kilala mo pa ba 'ko?" Nag aalala niyang tanong. Gusto kong matawa. Ano bang akala niya? May amnesia ako? Maasar nga. Hindi ako ngumiti. Kunot noo lang akong tumingin sa kanya.

"Sino ka? Sino ako?" Halatang nagulat silang lahat sa tanong ko pero mukhang na gets nila kaya pasimple silang natawa at napailing. Si Frost naman biglang namutla tapos tumulo na 'yong luha niya.

"Shane, ako 'to. Si Frost. Hindi mo ba 'ko natatandaan?" Pfft. Ang sarap niya yakapin. Para siyang bata. ^_^ Umiling ako agad.

"Hindi kita kilala. Sino ka ba?"

"Shane, naman e. Hindi mo talaga ako kilala? Fiancè mo 'ko." Umiiyak niyang sabi.

"Fiancè? Pero hindi kita kilala." Hindi na siya nag salita. Yumuko lang siya at tahimik na umiyak. Hinawakan ko ang balikat niya dahilan para mapatingin siya sa'kin.

I smiled. "Halika nga dito. Payakap ako dali." Biglang nag liwanag ang mukha niya at niyakap ako agad. Natawa ang lahat. Hihi. Ang galing ko. Pwede na 'ko mag artista. ^_^ "I love you, Frost. Hinding hindi kita makakalimutan. Asawa nga kita, 'di ba?" Natatawa kong tanong.

"Kinabahan ako sa'yo. Akala ko hindi mo na talaga 'ko kilala." Naiinis niyang sabi. Napahiya kasi siya e. Pinunasan ko na ang mga luha niya tsaka ko hinalikan ang tip ng nose niya.

"Lalo kasi akong nai-inlove sa'yo pag umiiyak ka. Lalo na't ako ang dahilan." Bigla naman siyang ngumiti at hinawakan ang right cheek ko.

"Siyempre, ikaw lang naman ang nag iisang babae sa buhay ko..aray!!" Sigaw niya nang bigla siyang batukan ni Tita. "Ouch!" Sigaw niya ulit nang biglang apakan ni Fria 'yong paa niya. Natawa naman kaming lahat dahil parehong pareho ang facial expression ni Tita at Fria. Naka-pamewang pa silang dalawa habang nakatingin ng masama kay Frost. Hindi ko napansin na gising na pala si Fria. She's so cute.

"Alam kong corny ka, Frost Edward Sarmiento pero hoy! Nandito pa kami ni Fria! Si Shane lang pala ang babae sa paningin mo ah." Taas kilay na sabi ni Tita.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now