Chapter 39 Representative

67 4 0
                                    

*knock knock*

"Shane, nasa baba na si Frost!" Sigaw ni Ate mula sa labas ng kwarto ko.

"Coming!" Sigaw ko naman habang nilalagay 'yong kwintas na bigay sa'kin ni Frost.

Lumabas na agad ako sa kwarto ko at pumunta sa sala. Nando'n na nga si Frost. Ang gwapo niya talaga. Bagay na bagay sa kanya ang uniform ng Sorborne University.

Busy siya sa phone niya kaya hindi niya 'ko napansin. Naupo agad ako sa lap niya at tinignan kung sino ka-text niya.

"Sino ka-text mo?"

"Ewan."

"Anong ewan? Ka-text mo hindi mo kilala?"

"Ewan ko nga. Bigla nalang nag text."

"Ano bang sabi? Pabasa nga." Kinuha ko 'yong phone niya at binasa 'yong text ng unknown number.

From: Unknown

Frost, I'm pregnant. Panagutan mo 'ko. Papatayin ako ng Daddy ko pag hindi ko masabi kung sino ang ama. Frost, please.

6:45 am

Biglang tumulo ang luha ko. Binalik ko sa kanya 'yong phone niya tsaka ako lumabas ng bahay. Naninikip na naman 'yong dibdib ko. Nakakainis naman oh!

Naramdaman ko nalang na may humila ng braso ko at niyakap ako.

"Hindi totoo 'yon." Bulong niya sa tenga ko. Tinulak ko siya palayo tsaka ko pinunasan 'yong mga luha ko.

"Sigurado ka? Pa'no kung totoo? Frost, ilang babae ba ginamit mo no'ng mag hiwalay tayo? Kahit nga 15 years old, pinatos mo. Pa'no kung isa sa mga 'yon 'yang babaeng nag tetext sa'yo? Pa'no na 'ko? Mawawalan na naman? Dapat hindi nalang ako bumalik e. Nasasaktan na naman ako." Inis akong nag lakad palayo pero hinila na naman niya ang braso ko.

"Shane, ano ba? Hindi ako ang ama no'n. Maniwala ka."

"Pa'no nga kung ikaw?"

"Basta hindi ako. 'Wag naman na nating pag awayan 'to oh. Ikaw lang ang gusto ko, ikaw lang ang mahal ko. Sigurado ako na naninira lang 'yon." Bigla nalang tumulo ang luha niya. He is my weakness. Ayoko siyang nakikitang umiiyak. Nararamdaman ko naman na totoo siya sa mga sinasabi niya e. Bakit ba kasi ako nag papaapekto? Naninira lang 'yon. Siguro si Gizelle na naman 'yon. Tss. Niyakap ko siya agad.

"Sorry. Siguro nga naninira lang 'yon. Tara na." Hinawakan ko na ang kamay niya at gano'n din siya. Pumunta na kami sa motor niya, as usual, sa harapan na naman ako. "Iiihh. Na miss ko 'tong motor mo." Tuwang tuwa kong sabi.

"Haha. Ako din. Na miss ko 'to lalo na pag ikaw ang angkas ko."

"Iiiihh. Ang drama naman ng future husband ko." Sabi ko sabay kiss sa lips niya. Smack lang 'yon pero umabot ng 10 seconds. Haha. Binilang ko talaga. Ngumiti agad siya at pinaandar na ang motor niya.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa School. Pinag titinginan kami ng mga estudyante. Or baka si Frost lang kasi tadtad siya ng chikinini. Ang kulit kasi e. Pero parang wala lang naman sa kanya. No pansin. Snobero e.

"Sweet heart, palit muna tayo ng phone. Tawag kasi ng tawag 'yong babaeng 'yon e hindi ko naman kilala." Sabi niya. Bigla naman akong napangiti. Wala talaga siyang tinatago sa'kin. ^_^

"Sige." ^_^

Inabot niya 'yong phone niya sa'kin tapos kinuha niya na 'yong phone ko. Nag lalakad na kami ngayon papunta sa sari-sarili naming classroom. Nakakainis lang kasi hindi kami classmate. Mami-miss ko siya. Hehe. Ang OA.

Nadaanan na namin 'yong 205 pero hindi pa siya huminto do'n. Ah. Baka ihahatid niya muna ako. Ang sweet naman. ^_^

Hawak niya lang ang kamay ko, naka-clasp pa nga 'yong mga fingers namin e. Pumasok na kami sa classroom ko tapos naupo na kami ng mag katabi. Teka.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now