Chapter 29 Desperada

61 3 0
                                    

Flash back!

1 year ago.....

Sam's Point of View

"Michael, pwede ba tigilan mo na 'ko? May boyfriend na 'ko!" Inis na bulyaw ko kay Michael. Si Michael ang isa sa mga members ng 1D dito sa Sorborne University High School. Siya ang Zayn Malik habang si Drew naman ang Liam Payne, si Harry naman ang Harry Styles, si Troy naman ang Niall Horan at si Paul ang Louis Tomlinson. Kasalukuyan kaming Grade 12 student ngayon. Si Paul ay Grade 10 palang. Hindi siya member ng Blood na pinamumunuan ni Edward----ang boyfriend ko. Si Michael ay member din ng Blood at mag kaibigan sila ni Edward.

"Claire, hindi mo ba talaga ako gusto?" Napatingin ako sa mga mata niya at bakas na bakas dito ang lungkot. Sa totoo lang, gusto ko rin siya. Mas nauna ko siyang nagustuhan kesa kay Edward. Kaso, nauna na si Edward e. Boyfriend ko na siya ngayon at ayoko namang masira ang relasyon namin ng dahil lang kay Michael.

"Sorry, Michael. Iba nalang ang gustuhin mo-----iba nalang ang mahalin mo." Mag sasalita pa sana siya pero nag lakad na 'ko palayo. Sakto naman na nakita ko si Edward sa 'di kalayuan at pinag kukumpulan siya ng mga babae. Aish. Nakakainis talaga 'tong mga babae na 'to. Pag ako na bwisit, ipapa-kick out ko sila dito sa School e. Duh. Kami kaya ang may ari nito----I mean, 'yong parents ko pala. Hehe. Nag cross arms ako at ngumiti ng sobrang sweet. "Excuse me, Girls? Girlfriend's here na oh." Napatingin naman sa'kin 'yong mga babae at sabay sabay na umalis.

"Ano ba 'yan? Kung hindi lang siya anak ng may ari ng School na 'to, sasabunutan ko talaga siya e."

"Oo nga! Ang yabang."

"Itaga mo sa bato, mag bre-break din sila ni Frost."

Napa-buga nalang ako ng hangin sa bulung-bulungan ng mga estudyante. Bahala sila. Lumapit naman agad sa'kin si Edward at niyakap niya 'ko ng mahigpit na mahigpit. 'Yong tipong hindi na 'ko makahinga.

"Edward, hindi na 'ko makahinga." Natatawa kong sabi kaya naman bigla niya 'kong binitawan.

"Aish. Sorry. Na miss kita e." Nakangiti niyang sabi kaya naman kumapit ako agad sa braso niya tapos nag lakad na kami.

"Na miss mo 'ko agad? Ilang oras lang tayong hindi nag kita e."

"Gano'n talaga. Love kita e. Ako ba? Hindi mo love?" Nag pout pa siya kaya bigla akong natawa.

"Edward, siyempre love kita. Para kang bata. Tigilan mo nga 'yan." Natawa naman agad siya at inakbayan ako. Wala kaming tawagan na babe, baby, love or what so ever. Ayoko kasi ng gano'n. Ang corny masyado. Tsaka, okay na kami na tawagin ang isa't isa sa mga second name namin. Like, Claire and Edward. Parang endearment narin namin 'yon kasi ako lang naman ang tumatawag sa kanyang Edward tapos siya lang din ang tumatawag sa'king Claire. Kaso, 'yong mga members ng Blood, aish. Tinatawag akong Claire. Pero keri lang. Nag sasawa narin ako sa Sam or Samantha e. Hehe. Grade 11 palang, kami na ni Edward. Second week palang ng June ngayon. Bale, second week palang namin bilang Grade 12 student.

"May surprise ako sa'yo mamayang gabi." Nakangiti niyang bulong sa tenga ko.

"Ano naman 'yon?"

"Basta. Surprise nga e. Basta punta ka nalang sa Park ng Village natin." Sabi niya habang tumataas taas 'yong kilay kaya bigla akong natawa. Sus. Baka ka-corny-han na naman 'yan.

Sumakay na kami sa kotse niya, ayoko kasing sumakay sa motor----natatakot ako kahit pa sabihin niya na nandiyan siya. E ano naman magagawa niya kung nandiyan na 'yong aksidente, 'di ba?

Hinatid niya na 'ko sa bahay, siya narin ang nag tanggal ng seat belt ko, 'yan naman ang lagi niyang ginagawa. Masyado kasi siyang cheesy e. ^_^

"I love you, Claire." Seryoso niyang sabi dahilan para mapangiti ako. Hinawakan ko siya sa pisngi niya at hinalikan siya.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now