Chapter 47 Pre-Pageant

81 5 0
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas at pre-pageant na. Sobrang kinakabahan ako kahit pa sabihing nag practice naman ako. Pa'no kung pumalpak ako? Nakakahiya kung gano'n. -___-

Baka ma-turn off si Frost at iwan ako. Huhu.

Nandito na 'ko sa dressing room ngayon kasama 'yong ibang candidates na babae. Naka-white gown ako tapos may konting design. Very simple. Kitang kita rin ang magandang hubog ng katawan ko. Kita cleavage ko sa gown na suot ko. Hindi naman masyadong kitang kita. Slight lang para sexy daw tignan. Ewan ko ba. Hindi naman malaki hinaharap ko dati e. Pero simula no'ng may nangyayari sa'min ni Frost, feeling ko lumalaki na. Waaahhh!! 'Wag nga muna akong mag isip ng kung ano ano. Mamaya hindi ko mapigilan sarili ko at puntahan ko siya sa dressing room nila at do'n rape-in. Pfft.

Nangangati mukha ko sa make up na nilagay sa'kin ni Ate Lee. Yeap. Siya ang kinuha ni Mom na taga-make up sa'kin pati narin fashion designer. Magaling kasi talaga siya. Remember, siya 'yong nag ayos sa'kin no'ng 19th birth day ko kung naaalala niyo pa.

Pink lipstick ang ginamit sa'kin ni Ate Lee para daw maganda at mag mukha akong simple. Ang ganda ko nga e. Walang wala sa'kin si Kendall Jenner na crush na crush ni Frost. Sus. Chicken. Hehe. Six inches white high heels ang suot ko at nakaayos din ang buhok ko. Waaahh!! I'm so sexy and hot. Ano kaya reaksyon ni Frost pag nakita ako? Hihi.

Ilang minuto lang ay tinawag na 'yong mga contestants. Pang-number 13 ako. Err. Yeah. Last ako. Si Frost din number 13. Malamang, partner kami e. Nae-excite tuloy ako. Ano kayang suot ng Sweet heart ko? ^_^

Lahat ng contestants na girls, ang ga-ganda at ang se-sexy. 'Yong mga boys, gwapo din naman pero nagingibabaw si Frost. Iiihh. Supportive wife. ^_^

"Last but not the least, contestant number 13." Waaahhh!! Ako na. ^_^

Nag start na 'kong mag lakad. Ang la-lakas ng tilian. Parang mga langgam 'yong mga estudyante dahil sa sobrang dami. Punong puno 'yong gym. Ang dami ko ding banners. At karamihan ay from 201. May mga pictures pa kami ni Frost. Iiihhh. Enebe.

O___________O

Omo. Si Frost. Naka-gray tux siya tapos ang gwapo niya. Kaya naman pala nag titilian. Akala ko para sa'kin, para kay Frost pala 'yong support nila. Huhu. Charot.

Nakatingin lang kami sa isa't isa hanggang sa mag stop kami sa center stage. Ngumiti siya sa'kin tapos bumulong sa tenga ko na naging dahilan ng pag init ng mukha ko.

"God. You're so sexy and gorgeous." O 'di ba? Sino bang hindi kikiligin do'n? Ang sexy pa ng boses niya. Hihi.

Kumapit na 'ko sa braso niya tapos nakangiti kaming pumunta sa harap para mag pakilala.

"Frost Edward Sarmiento, 19. Naniniwala sa kasabihang, pag si Mr. Notorious nag mahal, pati santo kikiligin." Tapos kumindat pa siya at nag flying kiss. Ayan tuloy. Nag tatalon 'yong mga babae tapos nag sisigaw. Nakakabingi.

"Waaahh!! I love you, Frost Sarmiento!!!"

"Go Frost Sarmiento!!!"

"Ang pogiiiii moooo!!!"

"Akin ka nalang!! Waaahhh!!!"

"Panalo na 'yan!!!"

"Frost Sarmiento forever!!!"

Hello! Pwede na ba 'kong mag pakilala? Psh. Kainis na sila ah. >_<

"Shane Keibler, 19. Naniniwala sa kasabihang, love is great. It can change people for the better. But it can hurts people thats causes being bitter. Thank you." Nag flying kiss din ako. This time, 'yong mga lalaki naman ang nag wala.

Mr. Notorious And I (Book 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin