Chapter 8 Detention

99 6 0
                                    

Frost's Point of View

Pinarada ko muna 'yong motor ko sa parking area bago ako pumasok sa School. Puro tilian agad ang sumalubong sa'kin. Nag sasabunutan pa at nagkukurutan 'yong mga babae. Parang mga baliw. Ahhh! Let me crap that sh*t! Puro talaga sila baliw. Tss.

"Babe!" Ugh. Here we go again. Tumatakbo si Gizelle papalapit sa'kin at akmang hahalikan niya 'ko nang itulak ko siya palayo. And take note, sa dibdib niya ko siya tinulak. Tss. Nahawakan ko naman na lahat sa kanya kaya wala na sa'min 'yon.

Pero hindi naging kami noh! Asa siya! One night stand lang 'yon. Hindi siya 'yong mga tipo ko. Gusto ko 'yong simple lang at hindi obsess sa'kin. Mas gusto ko na ako ang nag hahabol para nacha-challenge ako.

"Lumayo ka nga sa'kin!" Inis na bulyaw ko sa kanya tsaka ko siya nilampasan at nag patuloy sa paglalakad.

"Frost, sandali." Aish. Ang kulit. Humarang siya sa daraanan ko tsaka niya hinawakan ang magkabilang braso ko. Abat. Chinansingan pa 'ko. "Bakit mo ba 'ko iniiwasan? Dahil ba sa malanding transferee na 'yon? Pinag palit mo na ba 'ko sa kanya huh?" Fvck! Parang iiyak na siya. T*ng ina! Ayoko makakita ng babaeng umiiyak sa harapan ko. Nakakagago pucha!

"Hindi kita pinag palit kasi hindi naman naging tayo! Aish. Alis nga." Nag lakad na 'ko palayo sa kanya bago pa tuluyang bumagsak ang luha niya. Ewan ko ba pero kahit gago ako, hindi ko kayang makita silang nasasaktan ng dahil sa'kin. Fvck! Ang drama ko. Tsk.

"Sige, Frost! Mag pakasaya ka sa kanya! Pero hindi ko siya titigilan! Tandaan mo 'yan!" Pahabol niya pa. Napailing nalang ako. Bahala siya sa gusto niyang gawin.

Dumiretso na 'ko sa classroom, 5 minutes lang naman akong late. Hehe. Buti nga pumasok ako e. Naniniwala kasi ako sa kasabihang, "it's better to be late than absent". Pfft xD.

Dire-diretso lang akong pumasok sa loob. Wala akong pakialam kung nakatingin silang lahat sa'kin basta naupo nalang ako sa upuan ko sa likod. Dahil ang tunay na gwapo, sa likod nakaupo.

"Wow naman. Ang aga mo ngayon ah. Bakit? Bumabawi ka ba sa pagka-cutting mo sa klase ko kahapon?" Sarkastiko na sabi no'ng teacher na mataba. Aish. I don't know who she is. Bihira lang naman ako pumasok e.

"Tss. Hindi ako nag cutting, um-absent ako." Hehe palusot 101.

"Talaga? E balita ko pumasok ka ng Campus pero hindi ka um-attend ng class mo."

"Balita lang naman pala e. Hindi totoo 'yon. Tsismosa." Medyo hininaan ko na 'yong pagkakasabi ko ng tsismosa.

"Mr. Sarmiento, lokohin mo na lahat ng subject teachers mo, 'wag lang ako. Detention after class! At 'wag kang magkakamaling tumakas dahil ipapatawag ko talaga ang parents mo." Banta niya sa'kin bago ipagpatuloy 'yong tinuturo niya.

"Tss. E 'di detention." I murmured.

"Kawawa naman si Frost."

"Oo nga e. Ang sungit naman kasi ni Ma'am."

"Buti nga pumasok siya e."

"Kaya nga. Ang OA talaga ng math teacher natin."

"Iiihh. Gusto ko tuloy ma-detention para makasama siya."

"Iiiiihh. Ako diiiin."

Ugh. Tinignan ko ng masama 'yong mga babaeng nag tsi-tsismisan tungkol sa'kin kaya naman dali dali silang umayos ng upo at nag focus sa tinuturo ng mataba naming teacher.

Tss. Mas matalino pa 'ko sa math diyan e. Naiintindihan ko naman talaga tinuturo niya, sadyang nag tatanga-tangahan lang ako. Mas gwapo kasi ako pag tanga e. xD

Mr. Notorious And I (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon