Chapter 5 His Girlfriend?!

107 10 1
                                    

Kung gaano ako kaaga pumasok kahapon, gano'n parin ako kaaga pumasok ngayon. Nag breakfast lang ako saglit with Kuya Sync and Sam tapos pumasok na 'ko sa School.

Dumaan muna ako sa locker ko bago ako pumunta sa classroom. Mangilan ngilan palang ang mga classmates kong nandito. Naisip ko na wala naman akong gagawin dito at 30 minutes pa bago ang 1st subject kaya naman nag libot libot muna ako sa Campus.

Maluwang luwang din pala 'tong School. Ang daming estudyante at mukhang mayayaman talaga. Napadaan naman ako sa isang School Park. Ang linis tapos pwedeng pwedeng higaan 'yong mga grass. Ang fresh pa ng air dahil sa dami ng mga punong nakatayo dito. Eto na siguro pinaka-favorite kong part ng School na 'to.

May mga estudyante rin naman na nakatambay dito. May mga couples, mag kakaibigan pati narin 'yong mga nerds. Tahimik naman kasi dito kaya pwedeng pwede ka mag relax.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Nadaanan ko pa 'yong iba't ibang uri ng bulaklak. Pero ang pinaka-nakapukaw ng atensyon ko ay 'yong tulips. Tuwang tuwa naman akong lumapit dito at pumitas ng isa at inamoy 'yon.

"Hmm. Ang bango."

"Hindi mo ba alam na bawal 'yang ginagawa mo?" Gulat akong napalingon sa lalaking nag salita sa likod ko.

Waaaahhh!! Anong ginagawa niya dito?! Ay oo nga pala, schoolmate nga pala kami. Tss.

Nakangisi lang siyang nakatingin sa'kin habang nakapasok ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng pants niya. Woah! Ang astig niya. Pero yucks! Masyado siyang antipatiko-slash-mayabang-slash-epal-slash-demonyo-slash-bad boy-slash-notorious type. Hmp.

"Tss. Bawal ang alin?" Taas kilay kong tanong with matching pamewang pa 'yon ah.

Humakbang naman siya palapit sa'kin tapos hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Woah! Bakit niya 'ko hinahawakan? Yucks! Papalag palang sana ako kaso inikot niya na 'ko paharap sa mga flowers tapos tinuro niya gamit ang index finger niya 'yong nakapaskil do'n.

//Bawal pumitas ng bulaklak//

Waaahhh!! Bakit hindi ko napansin 'yon? E kasi nakaka-attract 'yong mga flowers e.

"See? You don't know how to read." Bulong niya sa tenga ko. Bigla namang nag init 'yong mukha ko kasi ramdam na ramdam ko 'yong hininga niya sa ear ko. Tapos parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ang braso ko.

Uweeee!! Ano ba 'tong nararamdaman ko?! -_______-

Humarap naman agad ako sa kanya tsaka ko siya tinulak palayo sa'kin bago pa 'ko mawala sa sarili ko.

"Wag mo nga 'kong hawakan tsaka 'wag na 'wag mo 'kong lalapitan! Yucks!" Umarte ako na nandidiri at pinupunas-punasan ko pa 'yong braso ko na hinawakan niya.

"Ang arte mo naman. Feeling mo maganda ka? Tss. E isa ka nga sa mga patay na patay sa'kin e."

"Wow. Ang taas ng self confidence mo ah. At ako? Isa sa mga patay na patay sa'yo? Asa ka naman noh. Bakit? Gwapo ka? Gwapo ka?"

"Oo. Gwapo ako. Hindi lang gwapo, gwapong gwapo."

"Tss. Oo nalang. Kawawa ka naman e. Mukhang ikaw lang yata naniniwalang gwapo ka." Nilampasan ko na siya at akmang aalis nang bigla naman siyang humarang sa harapan ko.

"Alam mo ba 'yang sinasabi mo?"

"Oo. Alam ko. Mukha bang hindi? Uulitin ko, hindi ka gwapo. At ikaw lang yata ang nakakaalam na gwapo ka."

"Okay. Let's see." Ngumiti siya ng nakakaloko bago siya mag lakad palayo. Teka. Ba't ako sumusunod sa kanya? Ugh. Kaya naman pala! Hawak hawak niya 'yong wrist ko.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now