Chapter 44 Ang Muling Pagtatapat

69 5 0
                                    

Nandito kami ni Frost sa mall ngayon. Wala kasi kaming magawa sa condo. Kain, nuod, higa at halikan lang ginagawa namin. Haha xD. Minsan nga 'yong, kissing scene namin, nauuwi sa make out session, buti nalang napipigilan. Like duh. Nangako siya na kasal muna bago baby kaya patikim tikim muna. Pfft. Ang laswa ng bibig ko. Stop na nga. ^_^

Nahawak lang siya sa bewang ko habang nag lalakad kami dito sa mall. Ang totoo niyan, kanina pa kami palakad lakad lang. Wala kaming binibili or kinakain. Paikot ikot nga lang kami e.

"Sweet heart, punta tayong Quantum." Bigla namang nag liwanag ang mukha niya nang yayain ko siya. Hindi naman siya mukhang excited kasi hinila niya agad 'yong kamay ko papunta sa Quantum. Natutuwa ako kasi notorious type siya pero gustong gusto niyang mag laro.

"Miss, 150 tokens nga." Nakangiti na sabi ni Frost sa babae. Mukhang masayang masaya talaga siya na mag lalaro kami. Pfft.

Bigla namang namula 'yong babae at natataranta pa. Sipain ko 'to e. >_<

"Sir, eto na po." Kinuha agad ni Frost 'yong tokens. Aalis na sana kami kaso nag salita ulit 'yong babae. "Miss, pwede pa-picture sa Kuya mo?" What the fudge?! Ako ba kausap niya? Kuya ko? Si Frost? Grrrrkkk.

Inis akong tumingin sa babae, kinuha ko 'yong tokens na hawak ni Frost at binalibag sa mukha ng babaeng 'to. Naiinis ako. Bukod sa napaka-kapal ng make up niya, napaka-kapal pa ng mukha niya.

Hinawakan agad ni Frost 'yong kamay ko para pigilan ako pero tinabig ko lang 'yon at dinuro 'yong babae na gulat na nakatingin sa'kin. Pinag titinginan narin kami ng mga tao pero wala akong pakialam.

"Hoy! Hindi ko Kuya 'tong lalaking 'to, okay? He's my FIANCÈ!! At bakit ka naman mag papa-picture sa kanya?! Artista ba siya?! Gusto mong tabasin ko 'yang mukha mo huh?!"

"Shane, tara na." Hinila na 'ko ni Frost palabas ng Quantum, inirapan ko pa 'yong babae bago kami tuluyang makalabas.

"Nakakainis siya!! Dapat kasi hindi mo nginitian e!!! Ayan, lumandi tuloy!! Grrrrkkk!!" Maktol ko habang pumapadyak padyak. Bigla namang natawa si Frost at niyakap ako.

"Ang selosa mo masyado. Na-excite lang naman ako na maglalaro tayo sa Quantum. Kasi, 'di ba, do'n tayo unang nag kita? Kaso, mukhang hindi na matutuloy. Wala na 'yong tokens e." Natatawa niyang sabi sabay pisil sa dalawang pisngi ko.

"Kahit na. Dapat hindi mo parin siya nginitian. Ako lang dapat nginingitian mo." Naka-cross arms kong sabi habang nakataas ang isang kilay.

"Sige. Sabi mo e." Nakangiti niyang sabi sabay kindat at akbay sa'kin. Nag umpisa na kaming maglakad. Kainis. Hindi tuloy kami nakapag-quantum. Panira kasi e. >_<

"Frost, punta lang akong banyo ah. Hintayin mo 'ko dito sa labas." Nag nod naman siya agad kaya pumasok na 'ko sa loob ng comfort room.

Pumasok ako sa isang cubicle at umihi. Hehe. After no'n, humarap muna ako sa salamin para mag polbo at mag suklay. Nakakahiya naman kasi. Napagkakamalan akong kapatid ni Frost. Kasalanan ko bang baby face ako? Si Frost kasi e! Lalaking lalaki. Ang ganda pa ng katawan niya tapos ang tangkad tangkad. Gusto ko man mag make up at mag lipstick para mag matured ang mukha ko, ayaw naman ako payagan ni Frost.

"Look who's here." Napalingon ako sa likod ko. Si Gizelle tapos may kasama siyang dalawang babae. Naka-cross arms pa siya habang nakangising nakatingin sa'kin.

"Oh. Siya na ba si Shane? Well, maganda naman siya Gizelle ah. Sabi mo panget siya." -Alipores #1.

Ano? Ako? Panget? Duh. I'm very very beautiful yuh know. Haha. Beautiful nga ba ang right term? 'Di ba dapat GODDESS? Pfft. ^_^

Mr. Notorious And I (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon