Chapter 4 Best Friend

119 7 2
                                    

Umalis narin agad ako sa Canteen at nag punta na sa classroom para sa 3rd and last subject this morning. As usual, topic na naman ako ng mga estudyante. Hindi ko nalang pinapansin ang mga pagpaparinig nila. Malamang, about na naman 'yon sa nangyari kanina. E bakit naman kasi sa dinami rami ng mapagti-trip-an, ako pa.

Naupo na 'ko sa upuan ko sa harap. Nag babasa lang ako ng libro habang hinihintay 'yong teacher. Mag fo-focus nalang ako sa studies ko gaya ng ginagawa ko sa New York. Nakakapang hinayang lang kasi sa New York, marami akong friends. Marami rin namang mga Pilipino na nag aaral do'n e. Samantalang dito, puro humors, haters and bashers ang meron ako. First day na first day palang ang dami ng may ayaw sa'kin. Ugh. What a life.

"Hi, Baby chicks." Napalingon naman agad ako sa lalaking nag salita sa tabi ko.

Woaah! Kaya naman pala familiar 'yong boses niya kasi siya si Troy. Yeap. Kilala ko na sila kasi nga pinakilala sa'kin ni Jenica, 'di ba? With description pa 'yon ah.

"Wag mo nga akong tawaging ganyan! Alis!" Inis na bulyaw ko sa kanya. Nakakairita kasi 'yong mga lalaking tulad niya. Malandi na, babaero pa. Tss. If I know, puro hangin at kayabangan lang naman ang alam niya.

"Wooahh! Ang sungit mo naman. Ganito nalang. Ako si Troy Vergarra. And you are?" Inabot niya ang right hand niya pero inirapan ko lang siya. Pinag patuloy ko na ang pagbabasa ko kaya naman binaba niya nalang ang kamay niya. Buti naman. Wala akong panahon sa mahanging katulad niya noh.

"Hoy, Troy! Ano na namang ginagawa mo ah." Napaangat naman agad ako ng ulo ko at napatingin sa lalaking papalapit sa direksyon namin ni Troy. Waaahh! Si Harry. 'Yong crush yata ni Jenica. Ewan. Hindi pa naman niya inaamin sa'kin e. Hehe. E kanina lang naman kasi kami nag kakilala at hindi pa kami masyadong close para mag open siya sa'kin ng mga gano'ng klaseng bagay. Pero sabi naman niya kanina, friends na daw kami. E 'di friends na kami xD. "Miss, ginugulo ka ba ni Troy? Ako na humihingi ng pasensya ah. Special child kasi 'to e." Nakangiti niyang sabi sabay akbay kay Troy na ang sama na ng tingin sa kanya.

"Wag ka ngang makisali dito, Harry Potter!" Parang bata na sabi naman niya kay Harry at tinulak niya pa ito palayo sa kanya.

Waaaahhh!! Baka mag away pa sila sa harapan ko.

"Hindi. Okay lang." Nakangiti na sabi ko nalang kay Harry. Mukha naman kasi siyang friendly at mabait. Hindi nga siya halatang gangster e. Bagay sila ni Jenica. Pareho silang maamo ang mukha. Hihi.

"Oh ano? Narinig mo 'yon? Okay lang daw kaya chupi! Mag uusap pa kami ni Baby Chicks." Tinaboy taboy na ni Troy si Harry na parang aso kaya napakamot nalang si Harry sa batok niya.

"Ako nga pala si Harry. Harry Hellares." Nakangiti na sabi ni Harry kaya napangiti nalang ako't nag nod.

"I'm Shane. Nice to meet you, Harry."

"Woooaahh! Kay Harry Potter nag pakilala ka tapos sa'kin hindi? Nakakaselos ka, alam mo 'yon?" Naka-pout na singit naman ni Troy. Aish. Para siyang bata. Pero in fairness ah. Ang cute niya.

"Err. I'm Shane and you are Troy. So nice to meet you." Pilit na ngiti kong sabi.

"Hehe. Nice too meet you too, Baby Chicks." Sabi niya sabay kindat.

"Ugh. Stop calling me like that, okay? Just call me Shane, please." Nakakapikon na talaga siya. Ang kulit kulit niya.

"Okay." Haay. Salamat. Dumating narin 'yong teacher kaya naman umayos na 'ko ng upo. Ngumiti lang sa'kin si Harry at gano'n din ako tapos naupo na siya sa seat niya sa likod. Si Troy naman bumulong pa sa tenga ko. "Bye, Baby Chicks. Hihihi." Ugh. Sasapukin ko sana siya kaso nakatakbo na agad siya sa upuan niya katabi si Harry.

Mr. Notorious And I (Book 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя