Chapter 3 First Day

140 7 0
                                    

Shane's Point of View

Maaga akong gumising. Hindi dahil excited ako pumasok kundi dahil nabo-bore ako. Boring kasi dito sa bahay. Buti nalang may mga gadgets and appliances kundi mamamatay ako sa sobrang tahimik.

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin for the last time. Fit na fit sa'kin ang uniform ko. Well, hindi naman siya panget, cute nga e. Pero mas bet ko parin talaga 'yong uniform ko sa New York.

Japanese style kasi 'tong uniform ng Sorborne. Short skirt, long sleeves with tie, long socks and 4 inches high heels. Same lang naman ang uniform ng high school sa college, 'yon nga lang, may logo 'yong sa kanila.

Bumaba narin ako agad at dumiretso sa dining room para mag breakfast. Naabutan ko naman agad si Sam at Kuya na kumakain na. Si Mom and Dad? Well, hindi sila sumasabay sa'min ng breakfast kasi 4 am palang, wala na sila. Pumasok na sila sa trabaho. Kaya obviously, kaming tatlo lang ang mag kakaharap.

"Good morning." Nakangiti kong bati sa kanila bago ako maupo sa tabi ni Sam kaharap si Kuya.

"Waahh! Ang ganda mo naman, Shane. Bagay na bagay talaga sa'yo ang uniform ng Sorborne." Tuwang tuwa na sabi ni Sam habang pumapala-palakpak pa.

"Err. Yeah. Thanks. Ikaw din." Sabi ko bago kumain ng hot dog. Hindi kasi ako kumakain ng rice pag breakfast. Ewan. Nakita ko lang kay Grandma kaya ginaya ko. Idol ko 'yon e.

"Oo nga, Shane. Ang ganda mo. Naks." Sabi naman ni Kuya kaya bigla akong natawa at binato siya ng hot dog. Buti nalang nakailag siya, kung hindi, nadumihan na uniform niya.

"Kuya, naman e. Nang aasar ka lang!" Naka-pout kong sabi kaya naman natatawa siyang pinisil ang ilong ko.

"Oo nga. Maganda ka talaga." Sabi niya pa sabay kindat.

Uweeee!! Kinikilig tuloy ako. Kung hindi ko lang 'to Kuya, liligawan ko 'to e. De joke. I hate guys nga, 'di ba? Pero siyempre pwera lang 'yong mga lalaki sa pamilya.

"Hello? I'm here!" Kumakaway kaway na singit naman ni Sam. Para siyang si Ruffa Mae Quinto pag nababaliw.

"Pfft. Hahaha." Sabay na tawa namin ni Kuya.

After naming mag breakfast, nag paalam na ako sa kanilang dalawa. Mag papahinga muna daw sila konti bago sila pumasok. Remember, sabay sila kasi same school lang sila at wala pang kotse si Sam kasi hindi siya marunong mag drive.

Kinuha ko na ang kotse ko sa garahe, pina-washing ko narin 'to sa isa sa mga katiwala namin. Pinag buksan naman na agad ako ng guard kaya umalis na 'ko.

Waaahh!! It's my first day! Sana masaya kasi kung hindi, paliliparin ko talaga 'tong si Blupie pabalik ng New York. Chos. Haha.

Alam ko naman na ang way papunta sa Sorborne University High School kasi everytime na mag ba-bakasyon ako dito sa Pilipinas, nadadaanan ko 'yong School.

Ilang minuto lang nakarating na 'ko sa School. Pinark ko na 'yong kotse ko sa parking area. Sa totoo lang, VIP ako dito kasi anak ako ng may ari ng School na 'to. Kaso, ayoko naman maging bias noh. Student parin ako. At gusto kong i-treat ako na parang ordinary student lang. Papagalitan pag may nagawang mali, pagagawin ng mga projects or what so ever.

Ayokong namang ipangalandakan na isa akong Keibler. Hindi naman kasi ako mapag-mataas na tao.

Pumasok na 'ko sa loob. May ID naman na 'ko kaya pwede na 'kong pumasok. Ang dami ng estudyante na naka-tambay sa kung saan saan. May nadaanan pa nga akong chapel sa right side ko. Sa pamilya ko nga 'tong School pero sa maniwala kayo't sa hindi, ngayon palang ako nakapasok dito.

19 years palang nakatayo 'tong School na 'to pati narin 'yong sa College. Well, maganda naman siya at malinis. Pati 'yong mga rooms halatang fully air conditioned.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now