Chapter 11 Sick

94 4 0
                                    

Pag-uwi ko sa bahay, sinalubong agad ako nila Sam at Kuya. Parang nag aalala pa sila. Ang OA ah. Saglit lang akong nawala e.

"Shane, where did you go? Pinag aalala mo kami." Sabi ni Sam sabay yakap sa'kin. Aish. Ano bang ginagawa niya?

"Nag libot lang ako sa village. 'Wag ka ngang OA." Naiirita kong sabi sa kanya. Napayuko naman agad siya at hindi nakapag-salita. Ugh.

"Shane, nag aalala lang si Sam sa'yo." Singit naman ni Kuya na may halong pagkainis sa tono ng boses niya.

"Kuya, nag libot nga lang ako, okay? Hindi naman niya kailangang mag alala sa'kin e!" Naiinis na talaga ako. Parang ako na naman 'yong mali. E totoo naman kasi e. Ilang oras lang akong nawala nag alala na agad siya? Tss. OA talaga.

"Ah gano'n? Nag aalala na nga sa'yo 'yong tao, ikaw pa 'tong may ganang magalit? Pwes, ako na humihingi ng despensa. Sorry kung nag aalala sa'yo si Sam. Sorry kung nagiging OA siya pag dating sa'yo dahil natatakot siya na baka mapahamak ka. Sorry ah, Shane, sorry." Galit na sabi ni Kuya sa'kin bago niya hilain si Sam papasok sa dining room.

Bigla namang nag init 'yong sulok ng mga mata ko. Tumakbo ako papasok sa kwarto ko. Ni lock ko 'to tsaka ako nahiga sa kama ko. Niyakap ko nang mahigpit 'yong unan ko tsaka ako nag talukbong ng kumot.

Umiyak lang ako ng umiyak. Hinayaan ko lang na tumulo ang luha ko. Ganito naman lagi e. Iiyak nalang ako tuwing nasasaktan ako. Bakit ba ang sama sama ko sa mga mata nila? Bakit ba feeling ko kontrabida lang ako sa buhay nila at si Sam ang tunay na bida? Ano ba 'ko sa kanila?

Psh. Sumisikip 'yong dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Hikbi lang ako ng hikbi. Pati ba naman si Kuya, si Sam na ang mahal? Pa'no na 'ko? Sino ng nag mamahal sa'kin? Si Grandma na nga lang ang nag mamahal sa'kin tapos nilayo pa nila ako sa kanya. Gusto ko na talaga bumalik ng New York. Ayoko na dito.

Hindi ko naman kasalanan na makaramdam ako ng insecurities kay Sam. E siya nalang kasi lagi ang napapansin nila Mom. Kaya nga nang dumating kami ni Sam dito sa Pilipinas, naramdaman ko na na si Sam lang talaga ang gusto nilang makita. Hindi ako. Epal lang naman ako dito e. Isa akong malaking EPAL!

Nagkulong lang ako sa kwarto ko mag hapon hanggang gabi. Hindi ako lumabas para kumain o mag meryenda. Kahit nagugutom ako, tinitiis ko. Ayoko sila makita e. Dinadamayan din ako ng langit kasi mag hapon din itong umulan. Hayts.

Minsan may kumakatok sa kwarto ko pero hindi ko 'yon pinapansin. Natulog lang ako mag hapon hanggang ngayon. 8:30 pm na nga e. For sure rin na nandito na sila Mom.

*knock knock*

Tulad kanina, hindi ko rin pinapansin 'yong kumakatok. Bakit ba kumakatok pa sila? Pabayaan nalang kasi nila ako tutal naman hindi sila concern sa'kin.

"Shane, Baby. Kain na tayo ng dinner." Aish. Si Mom lang pala.

Tumayo nalang ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko na nga inayos 'yong magulo kong buhok pati narin 'yong na-mumugto kong mga mata dahil sa kakaiyak.

"Shane, oh my gosh. Bakit ganyan ang itsura mo? May sakit ka ba?" Akmang hahawakan niya ang noo ko pero agad ko namang tinabig 'yon.

"Wala akong sakit, Mom. Inaantok lang ako. At pwede po bang 'wag na ulit kayong kakatok? Iniistorbo niyo lang po ako e. Good night." Sinara ko na agad 'yong pinto bago pa siya mag salita.

Bumalik na 'ko sa kama ko at nahiga. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Mas makabubuti kung itutulog ko nalang 'tong gutom ko.

****

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Kinapa ko si Kikiam sa bed ko pero wala akong makapa kaya napaupo agad ako sa kama ko.

Waaahhh! Nasa'n si Kikiam?!

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now