Chapter 27 Birth Day Party

66 4 1
                                    

Tahimik lang akong nakahiga dito sa bed ko at nag sa-sound trip. Sobrang bilis nga ng araw e. Hindi ko namamalayan na umabot na pala ako ng isang buwan dito sa Pilipinas. July 4 na ngayon. 19th birth day ko na pero hanggang ngayon hindi parin ako lumalabas sa kwarto ko. Mamayang gabi pa naman ang party e. Hindi narin ako pinapasok nila Mom kasi kailangan ko daw mag beauty rest. As if naman na kailangan ko 'yon e since birth maganda na 'ko. Pfft. Haha xD.

Ewan ko kung mae-excite ako o hindi. May kakaiba kasi akong nararamdaman e. Parang may hindi magandang mangyayari. Pero ayoko na nga munang isipin 'yon. Nagpapaka-nega na naman ako.

Ngayong gabi narin malalaman nila Harry na isa akong Keibler. Siyempre a-attend sila sa party e. Medyo kinakabahan ako. Pa'no kung mag iba 'yong trato nila sa'kin? Pa'no kung lagi na nila akong paboran kasi anak ako ng may ari ng School na pinapasukan nila? Pero hindi naman siguro. Si Jenica nga nang malaman niya na isa akong Keibler, hindi nag bago 'yong pag trato niya sa'kin. Sana gano'n lang din sila Harry.

*knock knock*

Tumayo naman ako agad at binuksan ang pinto. Isang baklang mukhang fashionista ang bumungad sa'kin.

"Hi. I'm Lee. Ikaw na ba si Shane?" Tumango lang ako bilang tugon. "Ah. Ako ang hinire ng Mom mo na mag ayos sa'yo. Pwede na ba akong pumasok?" Tumango lang ako at binigyan siya ng space kaya pumasok na siya. "Kaloka naman ang kwarto mo, 'te. Akala ko bata ang nakatira." Natatawa niyang sabi kaya napangiti nalang ako.  Totoo naman kasi e. Pang bata talaga ang style ng kwarto ko. Kasi nga hindi ko 'to pinagalaw kila Mom no'n habang nasa New York pa 'ko. Umalis ako dito ng 6 years old ako at sa tuwing mag babakasyon ako dito, ganito parin ang kwarto ko. Walang nag bago at walang mababago. "Hindi ka ba nag sasalita? Pipi ka ba? Sayang naman ang beauty mo." Sabi niya dahilan para matawa ako.

"Sorry. Wala kasi akong masabi kaya hindi ako nag sasalita." Natatawa kong sabi.

"Ay bongga. Ang ganda ng boses mo. Akala ko si Sam na ang pinaka-maganda sa bahay na 'to---meron pa pala." Bigla naman akong napangiti sa sinabi niya. At least lamang ako kay Sam. ^_^ "Halika. Upo ka na dito." Pinaupo niya 'ko sa harap ng malaking salamin kaya naman umupo na 'ko do'n. Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko na doraemon ang design.

6:00 pm na pala. 2 hours nalang mag sisimula na ang party. Huminga ako ng malalim at pinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan si Lee na make-up-an ako. Sana ako ang bida ngayon sa party na 'to----tutal naman birth day ko ngayon. Gusto ko ako naman ang mapansin at hindi puro si Sam. Nalulungkot lang ako kasi mag se-celebrate ako ng 19th birth day ko na wala si Grandma. Mas gusto ko siyang makasama. Kahit 'yong simpleng spagettie at pansit lang na luto niya masaya na 'ko basta dalawa lang kaming mag kaharap. Sana nandito siya. Hindi kumpleto ang araw at gabi na 'to kung wala siya.

Jenica's Point of View

"Tingin mo magugustuhan ni Shane 'to?" Tanong ko kay Harry sabay angat ng hawak kong blue stripes fitted dress na above the knee. Kilala ko na kasi si Shane at alam ko narin ang mga taste niya. Favorite niya ang color blue and pink tapos ayaw niya rin ng masyadong maikli.

Nandito kami sa Mall ngayon, nag ditch kami kasi bibili kami ng gifts namin kay Shane. Sama sama kaming lahat. Si Drew, Troy, Hazel pati narin si Frost. Kami ni Harry ay nandito sa fashion wear habang si Troy at Hazel nasa foot wear. Si Drew nagutom yata kaya umalis. Si Frost naman nasa bilihan ng mga accesories. Natutuwa ako kasi sama sama kaming lahat sa pag bili ng kanya kanya naming gifts kay Shane.

"Babe, naman. Bakit itatanong mo sa'kin? Wala akong alam diyan. Pambabae 'yan e." Kamot ulo na sabi ni Harry kaya tinignan ko siya ng masama.

"Kaya nga kita tinatanong kasi lalaki ka. Imagine-in mo na suot ni Shane ngayon 'tong dress na 'to. Bagay ba sa kanya?" Nag isip muna siya saglit habang naka-kunot ang noo niya at nakatingin sa dress. Bakit ang gwapo niya pag ganyan siya? ^_^ Lalo tuloy akong nai-inlove sa kanya. Ang swerte ko talaga dahil ako ang girlfriend niya.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now