Chapter 34 Ang Banta Ni Queen Bee

63 4 0
                                    

Pag pasok ko palang sa School, pinag titinginan at pinag bubulungan na naman ako ng mga estudyante. Pero sa tuwing titingin ako sa kanila, bigla silang tatahimik at yuyuko. Ano na naman kayang meron?

Sakto naman na nakita ko si Jenica na tumatakbo palapit sa'kin. Hingal na hingal pa siya nang huminto siya sa harapan ko.

"Hoy. Okay ka lang?" Kunot noo kong tanong.

"S-Si Gizelle..." Hinihingal niya paring sabi habang nakahawak sa dibdib niya.

"Oh? Bakit 'yon?" Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili niya. Tumingin siya sa'kin----ng sobrang seryoso. Kinakabahan naman ako sa babaeng 'to.

"Halika." Hinila niya 'ko somewhere. Nag pahila nalang ako't hindi na nag reklamo. Napadpad kami sa gym at nakita namin si Gizelle na pinalilibutan ng mga estudyante sa bleachers. Teka. Umiiyak ba siya?

No'ng makita niya 'ko, bigla siyang tumakbo palapit sa'kin. Lumuhod siya sa harapan ko habang umiiyak.

"S-Shane, patawarin mo na 'ko sa mga ginawa kong k-kasalanan sa'yo. Kung gusto mo saktan mo nalang rin ako. Saktan mo 'ko hanggang gusto mo. Pero parang awa mo na. 'Wag mo 'kong paalisin dito sa School. Please, Shane. I'm sorry." Ramdam na ramdam ko 'yong sinseridad sa boses niya pati narin sa lumuluha niyang mga mata. Lumalambot ang puso ko. Gusto ko siyang hawakan at patayuin at sabihin na, 'okay lang, pinapatawad na kita'. Pero sa tuwing maaalala ko lahat ng mga pinag gagawa niya sa'kin. Nasasabi ko nalang na, 'hindi ko kaya'. Hindi ko kayang patawarin ang isang tulad niyang sobrang sama ng ugali. At walang ibang ginawa kundi ang mag mataas.

"Mag dusa ka." Gigil kong sabi bago siya talikuran. Pero agad naman siyang kumapit sa mga binti ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Parang hindi na siya 'yong Gizelle na kakilala ko. She's so pathetic.

"Parang awa mo na. Ayokong umalis sa School na 'to. Gagawin ko lahat, patawarin mo lang ako."

"Gagawin mo lahat?" Nakangisi kong tanong.

"Oo, Shane. Parang awa mo na. Kahit ano, gagawin ko."

"Pwes, bitawan mo ang mga binti ko, mag balot ka na ng mga basurang gamit mo tsaka ka umalis sa eskwelahan ko." Natahimik ang lahat sa sinabi ko. Tanging pag hikbi lang ni Gizelle ang maririnig sa buong gym. Tumayo na si Gizelle pero nakayuko parin siya. Tinalikuran ko na siya at nag lakad palayo pero napahinto ako nang bigla siyang mag salita.

"Pag babayaran mo 'to, Shane. Hindi mo 'ko kilala. Kayang kaya kong sirain ang buhay mo." Napalingon naman agad ako sa kanya at sobrang sama ng tingin niya sa'kin. Nakakuyom pa ang mga palad niya na parang anytime, susuntukin niya na 'ko.

"Matagal ng sira ang buhay ko, Gizelle." Nakangiti kong sabi pero ngumisi lang siya.

"Si Frost ang buhay mo, mamamatay ka kung mawawala siya. At 'yon ang gagawin ko. Hindi ka pa niya iniiwan ngayon, pero bukas na bukas din, magugulat ka nalang, wala na siya sa tabi mo. Kaya sulutin mo na ang ilang oras na natitira sa inyong dalawa." Biglang nawala ang mga ngiti sa labi ko. Napalitan ng kaba at takot. Hindi imposible ang sinasabi ni Gizelle. Pero bakit bukas na? Gagawa ako ng paraan. Tumalikod na 'ko at akmang aalis nang mag salita na naman siya. "Ang banta ni Queen Bee ay magiging totoo. Sige lang, Shane. Takbo! Wahahahaha!!" Dumagundong ang tawa ni Gizelle sa buong gym. Para siyang demonyang nasasaniban. Nakakatakot siya.

Tumakbo agad ako palabas ng gym. Hindi ko na pinansin ang pag tawag ni Jenica sa'kin. Konting oras nalang. Bukas na bukas din makikipag-hiwalay na siya sa'kin. Dapat ibigay ko ang konting oras na natitira sa relasyon namin. Gusto kong mahalin niya na 'ko. 'Yong tipong hindi niya 'ko kayang iwan.

Pumasok ako sa kotse ko, dumaan muna ako sa Sorborne University College. Pinapasok naman agad ako ng guard. Pumunta ako sa Canteen at saktong nakita ko si Sam sa isang table kasama ang tatlong kaibigan niyang babae tapos isang lalaki.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now