Prologue

373 10 4
                                    

Frost Edward Sarmiento. The Gang Leader of Blood. Isang Notorious Man na kinatatakutan ng lahat. Kasalukuyan siyang Grade 12 student sa pinakamataas na eskwelahan sa kanilang siyudad---ang Sorborne University High School. Isang babaero, basagulero at walang ibang ginawa kundi ang manakit ng iba. Wala siyang pakialam kung nakakasakit na siya. Basta ang mahalaga, masaya siya sa ginagawa niya. Ang tingin ng lahat sa kanya ay matigas ang puso niya. Ngunit matigas nga ba talaga? Ang tingin ng lahat sa kanya ay hindi siya marunong masaktan at mas lalong wala siyang pakiramdam. Bakit? Alam ba nila ang buong istorya? Wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya. Wala siyang pakialam kung ayaw siya o gusto siya ng iba. Basta ang mahalaga, siya ang batas at walang makakapigil sa kanya. Minsan na rin siyang nasaktan at ayaw niya na ulit mangyari 'yon. Minsan na rin siyang nakapatay pero hindi niya pinag sisisihan 'yon. Isa lang naman ang gusto niyang mangyari. Ang makaganti sa kaisa-isang babaeng nanakit ng damdamin. Siya si Frost Edward Sarmiento. Masama man siya sa inyong paningin, ngunit nakakakilig din.

--------------------------------

Shane Keibler. Maganda, matalino, sexy at anak mayaman. Hindi niya pa nararanasang masaktan dahil hindi pa naman siya nai-inlove. Para sa kanya, ang love ay isa lamang pampalipas oras. Ayaw niyang mag mahal ngunit gusto niyang mahalin siya. Natatakot siyang mag mahal kasi natatakot siyang masaktan. Ayaw niya kasing dumating sa point na mas mahalin niya ang iba kesa sa sarili niya. Buong buhay niya, ni minsan ay hindi siya naging masayang makasama ang magulang niya. Pakiramdam niya kasi ay may favoritsm ang mga ito. At 'yon ay ang nakatatanda niyang kapatid na si Sam. Dalawang tao lang ang importante sa buhay niya, 'yon ay ang Kuya Sync niya na nasa kulehiyo na at ang Grandma niya na nasa New York kasama niya mula pagka-bata. Marami siyang pangarap sa buhay niya. Gusto niyang makatapos ng pag-aaral, maipag-malaki ng pamilya niya at mapansin naman ng mga magulang niya. Siya si Shane Keibler. Na naniniwala sa kasabihang "Kung ayaw mong masaktan, e 'di 'wag kang mag mahal".

----------------------------------

Marami silang pagkakaiba. Lalong lalo na sa ugali. Puro studies ang nasa isip ni Shane samantalang si Frost naman ay puro gulo. Hindi pa nai-inlove si Shane pero nasaktan na si Frost.

Sabi nila, pag malaki daw ang pagkakaiba niyo sa isang tao, ibig sabihin no'n ay hindi kayo bagay at never kayong mag kakasundo.

Mag kaiba kayo ng feelings at paninindigan. Mag kaiba kayo ng ugali at paniniwala.

Pero sa laki ng pagkakaiba nila, posible nga kayang ang nararamdaman nila ang kaisa-isang bagay na mag kapareho sila?

Mr. Notorious And I ❤

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now