Chapter 33 Kick Out

61 4 0
                                    

After naming mag usap ni Tita, bumalik na 'ko sa kwarto ni Frost. Tulog parin siya hanggang ngayon. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Ang sarap kasi sa pakiramdam na gusto ka ng Mom ng taong mahal mo. Binaba ko muna sa bed side table ni Frost 'yong plangganang may lamang malamig na tubig at bimpo. Nilagay ko din sa gilid nito 'yong gamot at tubig. Hinawakan ko ang noo niya, mainit parin siya. Dahan dahan kong tinapik ang braso niya.

"Frost, uminom ka na ng gamot." Gising ko sa kanya. Unti unti niyang dinilat ang mga mata niya. Hinang hina siya. Hindi pa kasi siya kumakain at umiinom ng gamot. Ang kulit kasi. Parang bata. "Upo ka muna." Nakangiti kong utos sa kanya. Inalalayan ko na siyang umupo, nilagyan ko ng unan 'yong likod niya para makasandal siya do'n. Bale, naka-semi lying na siya ngayon. Kinuha ko na 'yong gamot at pinainom sa kanya. Binigyan ko agad siya ng tubig. Naiilang ako kasi nakatingin siya sa'kin. Binalik ko na 'yong baso sa bed side table niya tapos kinuha ko na sa planggana 'yong bimpong basa. "Pupunasan kita para bumaba na 'yang lagnat mo." Nakangiti kong sabi bago punasan ang noo niya pababa sa leeg niya. Huuu! Bakit parang ang init? Pinag papawisan ako. E kasi naman e. Pinupunasan ko na 'yong chest niya. -___- Naka-sando lang kaya siya. Mukhang ako pa yata lalagnatin nito e.

"You're blushing." Mahina niyang sabi. Nakayuko lang ako at pinupunasan parin ang chest niya. Hindi ako makatingin sa kanya kasi nahihiya ako. Totoo naman kasi e. Nag bla-blush talaga ako. Sino ba namang hindi? Try mo kayang punasan 'yong dibdib ng boyfriend mo. Tsaka, kahit hindi ako nakatingin sa kanya, ramdam ko na nakangisi niya. Grabe lang ah. Nagagawa niya pang mang asar e may sakit na nga siya. Oh my gosh. Hindi na talaga kaya ng powers ko. Ang init sobra.

Tumayo na 'ko agad at binalik na sa planggana 'yong bimpo at pinunasan ang pawis ko gamit ang kamay ko.

"Sweet heart." Tawag niya sa'kin.

"Oh?" Tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya. Naramdaman ko namang hinawakan niya 'yong kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Napaupo tuloy ako sa bed niya. -___- Pero nakatalikod ako sa kanya. Niyakap naman niya agad ako mula sa likuran ko tapos pinatong niya 'yong chin niya sa balikat ko. Nararamdaman ko tuloy 'yong init ng buong mukha at katawan niya.

"I love you." Waaahhh! Ano ba 'yan? Bakit kailangan niya na namang ulitin 'yong salitang nag papabigat ng damdamin ko? Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko naman 'to nararamdaman dati e. Pero simula ng makilala ko siya, simula ng mapalapit ako sa kanya, lagi ko na 'tong nararamdaman. Aish. Nakaka-abnormal ng feelings.

"I-I love you t-too. M-mag pahinga ka na." Naiilang kong sabi.

"Sige. Pero tabihan mo 'ko, please." Parang bata niyang sabi kaya bigla naman akong natawa. Si Mr. Notorious kasi ang galing mag pakilig. ^_^

"Oo na."

"Iss. Napipilitan ka lang naman e. Umuwi ka na nga." Nag tatampo niyang sabi sabay tulak sa'kin. Natumba tuloy ako sa baba ng kama niya. Tinignan ko siya ng masama pero hindi niya 'ko pinansin. Nahiga lang siya sa kama niya't nag talukbong ng kumot. Aish. Parang bata.

"Frost, ano ba? Para ka namang bata e." Sabi ko habang binababa ang kumot na nakabalot sa kanya. Pero hindi ko maalis. "Frost, 'wag kang mag balot ng kumot." Saway ko sa kanya pero hindi manlang ako pinapansin o sinusunod. Rule #8 Pag nag tatampo, suyuin. Rule #9 Pag galit, dapat i-kiss. Ugh. Kung hindi lang kita mahal, hindi ako mag papaka-desperada. Kaso, mahal kita e. Ikamamatay ko pag nawala ka. "Sweet heart, hindi naman 'yon 'yong ibig kong sabihin e. Siyempre gusto kitang tabihan. Love kita e. Sorry na." Nag lalambing kong sabi. Dahan dahan kong binaba ang kumot na nakatakip sa mukha niya. Buti naman natanggal ko na. Nakatalikod siya sa'kin at nakabusangot. Kiniss ko siya sa left cheek niya tapos sa noo niya then sa tip ng nose niya tapos sa chin niya tapos sa jaw line niya tapos sa eyes niya tapos sa lips niya. Bigla naman siyang natawa sa mga pinag gagawa ko. Humarap siya sa'kin tapos tinaas niya ang index finger niya. Means, isa pa daw. Ngumiti naman ako agad at kiniss ang buong mukha niya. No'ng kiniss ko 'yong lips niya, smack lang dapat 'yon kaso hinawakan niya 'yong batok ko at hindi ako pinakawalan. Ano ba 'yan? Hindi tuloy ako nakapalag. -____- Kinikilig ako ei. ^_^

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now