Chapter 48 Meet His Father

64 3 0
                                    

Nandito kaming lahat sa isang mamahaling restaurant. Si Harry, Jenica, Troy, Hazel, Drew, Paul, Mom, Dad, Ate Sam, Kuya Sync, Fria and Mom ni Frost na Mom ko narin. Siyempre nandito rin kaming dalawa ni Frost. Hehe. Celebration lang kasi dahil nanalo kami. Ay hindi pala nanalo 'yong right term. Nakapasok kami sa Top 8 na mag lalaban laban para sa Pageant na talaga. Remember, pre-pageant palang 'yon.

Si Ate Lee, sinasama namin kaso may gagawin pa daw siya kaya hindi na siya nakasama. Sayang nga e.

Tahimik lang kaming kumakain ng maramdaman kong may humahawak sa legs ko. Ugh. Sino pa ba? E 'di ang pervert kong future husband. Hinayaan ko lang siya, bahala siya. Kakainin ko nalang pagkain niya. Kinuha ko 'yong steak sa plate niya at kinain 'yon. Tumingin ako sa kanya na kunot noong nakatingin sa'kin.

"Bakit? May angal? Mabusog ka sa ginagawa mong pang mamanyak sa'kin."  Bulong ko at nilakihan ko pa siya ng mata. Bigla naman siyang natawa pero ipinag patuloy niya parin ang ginagawa niya. Nasa loob na ng dress ko 'yong kaliwang kamay niya habang 'yong right hand niya ay hawak 'yong spoon. Psh. Kunwari kumakain.

Kain lang ako ng kain. Hmm. Ang sarap ng pagkain. Yummy yummy. ^_^

"Shane, hinay hinay lang anak. Ang lakas mo talaga kumain." Natatawang sabi ni Dad dahilan para mag tawanan lahat.

"Hindi kaya." Nakapout kong sabi habang ngumunguya ng pagkarami-raming pagkain sa bibig ko. Parang gutom na gutom kasi ako. Siyempre, napagod ako kaka-model e.

Tinignan ko ng masama si Frost nang maramdaman ko 'yong kamay niya sa lingerie ko. Tinanggal niya naman agad 'yon. Laki lang ng takot niya sa'kin noh.

"Wala pa ba kayong plano? I mean, sa kasal niyo?" Tanong ni Ate. Bakit parang hindi siya masaya? Super weird niya. Tapos dati close na sila ni Frost tapos biglang parang nag iiwasan. Ang weird talaga.

"Tulad nga ng plano namin, after graduation na 'yong kasal. Hindi pa namin napagpa-plunuhan lahat." Tipid na sagot ni Frost bago sumubo ng steak. Kumuha ako ng tissue dahil nadumihan 'yong ibaba ng labi niya. Pinunasan ko 'to kaya napangiti naman siya.

"Ashushu. Ang cheesy." Nang aasar na sabi ni Troy. Ang kulit talaga nito. ^_^ Tahimik lang 'yong iba kasi mukhang nahihiya kasi nandito 'yong parents ko at parents ni Frost. Nalulungkot lang ako dahil hindi ko pa nami-meet 'yong father ni Frost. Gusto ko man makilala, hindi ko naman masabi sabi kay Frost kasi ang alam ko, hindi sila okay. Pero ang pinag tataka ko lang, binigyan siya ng condo ng Dad niya. Aish. Ang gulo.

Nag kwentuhan lang kaming lahat sa kung ano anong bagay. Sila Mom naman nag uusap about sa business. Kami nila Harry, kung ano ano lang. Inaasar pa nila si Frost dahil sobrang cheesy daw nito sa question and answer.

Hanggang sa maisipan na naming umuwi dahil 8:30 pm na. Si Fria, kinuha muna ni Mom. Aish. 'Yong Mom ni Frost. Haha ganito nalang. Mommy nalang tawag ko. At pag sinabi kong Mommy, means, Mom 'yon ni Frost, okay? Kaya dalawa muna kami ni Frost ngayon dito sa condo.

Naupo agad siya sa sofa at mukhang pagod na pagod. Sino ba namang hindi, 'di ba? Naupo naman agad ako sa lap niya at sumandal sa kanya. In-on niya 'yong tv at nanuod lang kami ng mga teleserye sa gabi.

Tumingin ako kay Frost at pinag laruan ko ang labi niya gamit ang index finger ko.

"Sweet heart, nanunuod ako." Sabi niya habang nakatingin sa tv. Hindi ko siya pinansin. Pinag laruan ko pa din ang labi niya. Ang red red kasi nito tapos ang soft soft pa. Hindi ko napansin na kinukurot ko na pala 'to. "Ouch!" Sigaw niya kaya tinanggal ko agad 'yong kamay ko. Tinignan niya 'ko ng masama na parang sinasabing "masakit ah". Nanunuod nalang siya ulit sa tv. Nakatingin lang ako sa lips niya. Hindi ko mapigilang hawakan ulit 'to. Tinanggal naman niya agad 'yong kamay ko tapos pinanlakihan niya 'ko ng mata. "Sweet heart, pagod ako. Tsaka, nanunuod ako oh." Inis niyang sabi bago tumingin ulit sa tv. Napayuko nalang ako at itinuon ko nalang ang buo kong atensyon sa tv pero hindi ako mapakali. Tumingin ulit ako sa lips ni Frost tapos kinurot 'yon. "Aray!! Shane, ano ba?! Nananadya ka ba?! Masakit sabi e!!" Inis siyang tumayo kaya bumaba agad ako sa lap niya at naupo sa sofa. Pumasok na siya sa kwarto. Ewan ko ba pero bigla nalang tumulo ang luha ko. Masyado na 'kong sensitive. Pero kasi e. Gusto ko lang naman hawakan 'yong lips niya, ayaw pa niya. 'Di 'wag! Siguro hindi niya na 'ko love.

Mr. Notorious And I (Book 1)Where stories live. Discover now