Chapter 5: His Vow

Magsimula sa umpisa
                                    

"I didn't mean to say it, okay. But its tr-"

Palakas ito ng palakas. Parang nakikisabay ang pagkabog ng tugtog sa pagwawala ng puso ko. Mas lalo pa itong pinatindi ng sunod-sunod na sigawan ng mga tao. Like they're screaming right at my ears. Then all of a sudden, a fear came rushing inside me. The fear of losing something again. The fear of losing my capability to hear. The fear of losing one of my senses.

"Chloe, what's wrong?"

I felt his soft voice surround my right ear. Tinabunan nito lahat ng ingay na naririnig ko.

"I-ilabas mo muna ako.. S-sa labas tayo." Hindi ko na pinansin ang tono kong kulang na lang ay magmakaawa. Ang nasa isip ko lang ay makalabas at makalayo sa lugar na ito.

Wala akong narinig galing sa kanya. Napapitlag na lang ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay na maingat na hinawakan ang siko ko, helping me to stand up. With wobbling feet, nagawa kong makatayo. Hinawakan na niya ako sa aking pulsuhan at hinila ako. Hindi ko alam kung bakit wala akong nabubunggo o walang bumubunggo sakin. Napangiti ako sa isipang hinaharang niya ang kanyang katawan para sa akin.

Malamig na hangin ang agad na dumampi sa pisngi ko nang makalabas kami. Ngayon ko lang napansin na halos habulin ko na ang aking hininga at walang patid ang pagtibok ng aking puso.

"Are you alright?"

Tumango-tango ako.

Hinila niya ulit ako at matapos ang ilang segundong paglalakad ay binaba niya ako sa isa sa mga benches dito sa lugar, that's what I thought so.

"Nasaan tayo?"

"Sa tahimik na lugar. Wait for me, I'll buy you drinks. Tatawid lang naman ako sa kalsada."

Tumango muli ako. Gusto ko sanang sabihin na bilisan niya dahil natatakot akong mag-isa sa hindi pamilyar na lugar ngunit ayokong isipin niya na duwag ako at nakadepente lagi sa iba.

Rinig ko ang pag-apak ng mga paa niya sa lupa at kung paano niya pisatin ang mga damo. Siguro nasa parke kami?

Tumingala ako at ninamnam ang lamig ng simoy ng hangin. Nalungkot na naman ako sa kadahilanang hindi ko na pala kailanman makikita ang ganda ng mga bituin sa langit. Nandun na naman ang pagsisising hindi ko man lang sila natitigan nung nagkaroon pa ako ng pagkakataon.

"Walang masyadong bituin. Uulan ata." May dumamping mainit-init na styro sa gilid ng kamay ko. "Drink that. Baka makagaan ng pakiramdam mo."

"Thank you."

Hinipan ko muna ito at sinimulan na 'tong inumin. Much better.

"Aren't you afraid of me?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil sa patuloy na pag-inom ng kapeng panigurado akong galing sa 711.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon